Ika-limang kabanata

836 28 6
                                    

Kabanata 5

"Ama tama na po" impit na bulong ko, ngayon lamang ulit ako nakatikim na parusa muli kay Ama. Huli pa ay nung bata ako dahil sa di ko sinasadya na masagi at mabasag ang isang karton ng itlog.

Kinumpas ni Ama ang isang sinturon at hinanda na ni Manang Merlinda ang isang bilao ng munggo at puro libro na makakapal. Hinigit ni Ama ang braso ko na mapaigtad ako sa sakit.

"Lumuhod ka dyan" tukoy ni Ama sa bilao na munggo na nasa tapat ng pader malapit papunta sa kwarto ko.

"Romulo, wag mo namang parusahan ang anak mo ng ganito" pagmamakaawa ni Ina na naiiyak na. Pilit niyang pinapahinto si Ama.

"Kundi sa katigasan ng ulo ng batang iyan hindi niya sana mararanasan ang ganyan!" Galaiting sigaw ni Ama. Napaluhod naman ako sa bilao na puno ng munggo.

"Itaas mo ang dalawa mong kamay" utos pa ni Manang Merlinda, nanginginig na itinaas ko ang dalawa kong kamay at ipinatong ang sa magkabilang kamay ang anim na libro. Napapikit na lamang ako sa kirot.

Ngayon lang ulit ako naparusahan ng ganito katindi, di ko aakalain na sobra ang galit ni Ama sa ginawa ko. "Sinuway mo ang utos ko at ngayon ay tumatanggi ka pa sa mga bagay na dapat mangyari. Pinahiya mo pa ko sa mga bisita, kaya yan lang ang nararapat na parusa ng matuto ka!"

"Ayusin mo ang paghawak mo sa libro, kundi dadagdagan iyang buhat mo" dagdag pa ni Ama. Nanginginig ang katawan ko at nararamdaman ko narin ang sakit sa mga tuhod ko.

Napatingin naman ako kay Manang Puring at Ina na naaawa sa sitwasyon ko. "At ikaw!" Turo ni Ama kay Manang Puring na katabi ni Ina.

"B-Bakit po Senyor?" Batid sa kanyang boses na natatakot siya. Lumapit naman sa kanya si Ama.

"Huwag mong hahayaan na makatakas pang muli si Estella kundi alam mo na mangyayari sayo" Ani Ama. Umalis na si Ama sumunod naman sa kanya si Ina upang kausapin ito. Napalapit naman sakin si Manang Puring.

"Pasensya na, ako ang may kasalanan. Sana ako nalang ang nandyan"  saad ni Manang Puring. Di ko na napigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala. Sobra ba ang kasalanan na nagawa ko para pagdanasan ko ang ganito?

**

Ilang araw din ang nakalipas nang maparusahan ako ni Ama. Bihira nalang ako lumabas ng kwarto ko dahil ayokong makasalubong si Ama kaya puro pagbabasa nalang ng libro na tungkol sa pagmemedisina ang ginagawa ko.

"Estella!" Dinig kong katok ni Ina. Sinara ko ang libro na binabasa ko at nagtalukbong ng kumot.

Wala akong gana nitong mga nakaraang araw. Parang nararamdaman ko parin yung sakit sa tuhod ko pero pagaling na rin naman.

"Estella" dinig kong binuksan ni Ina ang pintuan pero nakatalukbong parin ako ng kumot. Wala ako sa panagano ngayon, Ina. (mood)

"Pumunta dito kaninang umaga yung kaibigan mong si Divina, nag-aalala siya sayo. Bakit hindi ka raw nagpapadala man lang ng sulat o tumatawag sa telepono sa kanya?" Inalis ko ang nakataklob sa akin at umupo ng maayos.

"Nandito lang naman po kase ako sa kwarto ko. Ayoko na pong makaabala pa sa kanya" sinuklay naman ni Ina ang buhok ko.

"Pagpasensyahan mo na ang Ama mo, kahit ako rin naman nag-alala sayo nung nalaman kong wala ka rito sa bahay. Alam mo namang mainitin ulo ng Ama mo. Siyempre ikaw lang naman ang aming unica hija." Ayoko nang pag-usapan si Ama dahil hanggang ngayon ay may tampo parin ako sa kanya. Pero gusto ko humingi ng tawad, hindi nga lang muna sa ngayon.

"Alam ko po yun Ina, pero gusto lang po muna magbakasyon o di kaya pumunta muna kina Lola sa pampanga." Paalaam ko kay Ina.

"Estella, alam mo namang may tampo rin sayo yung ama mo at---"

Wayback to 1940sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon