Ika-apat na kabanata

872 43 7
                                    

Kabanata 4

Palaisipan parin sa'kin kung para kanino ang sulat na iyon. Itinago ko na lamang iyon. Nagdadalawang-isip ako kung pupunta ba ko ron sa sinabi niyang likod ng simbahan. Baka naman hindi ako ang inaasahan niya don? Bahala na. Susubukan ko paring pumunta ron. Ang kaso bakit naman ako pupunta ron? Nababaliw na talaga ko.

"Estella, darating si Donya Helen dito mamayang hapon kasama ang kanyang anak. Pinapasabi ni Donya Victorina" katok naman ni Manang Puring habang nakahilata parin ako sa kama.

Di na lang ako sumagot. Naalala ko yung sinabi ni Donya Helen. Siguro irereto niya sa akin yung anak niya. Pano ako magpapaalam kay Ina? Hindi ko naman kasama si Divina. Kung tumakas nalang kaya ako?

Napahilamos nalang ako sa mukha. Teka, alam ko na!

Inilabas ko ang isang belo na dilaw sa aparador at iyon ang gagamitin ko pang-takip kung sakaling makita ako ni Ama. Lumabas ako sa aking silid. Mabuti na lang ay walang tao sa salas at si Ina naman ay nasa kanyang silid at nananahi ng mga baro at saya. Siya rin ang nagdisisenyo ng aking mga damit tuwing may okasyon. Isa rin yon sa mga negosyo ng aming pamilya.

Pumunta ako sa likod ng aming Mansyon at naabutan ko si Manang Puring na naglalaba.

"Manang Puring!" Tawag ko. Siya ang natira na kasambahay dito dahil ang iba ay namalengke.

Napatayo naman siya sa kanyang inuupuan. Sa lahat ng kasambahay na meron kami rito siya ang pinakamabait sa akin samantala ang iba naman ay masungit.

"Nasan po si Persia?" Tanong ko naman at ipinatong sa ulo ko ang belo.

"San ka pupunta hija? Hindi ba't ipapakilala ka ni Donya Victorina sa mga bisita niya mamaya?"

"Opo pero kung pwede po ba isama ko muna si Persia? Gusto ko lang po ulit makapamasyal sa bayan ng Don Antonio"

"Pwede po naman isama si Persia pero nagpaalam ka na ba sa iyong Ina?" napalunok ako sa tanong niyang iyon.

"Manang Puring, pwedeng kayo na po bahala kay Ina? Hindi pa po kase ako handa na humarap sa mga bisita ni Ina. Nahihiya po ko" pasulot ko nalang. Napakamot nalang sa ulo si Manang Puring.

"Oh siya siya basta ay dalian mo lang ako na bahala, nariyan si Persia sa bukid at nanghuhuli ng tipaklong" nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Manang Puring.

"Sige po Manang Puring. Salamat!" Agad na kumaripas ako ng takbo sa bukid at nakita si Persia na hawak ang isang tipaklong.

"Kamusta ate Estella!" Masiglang bati sakin ni Persia.

"Laro po tayo! Tara manghuli po tayo ng mga tipaklong" anyaya naman niya sa'kin.

"Persia, halika rito" tawag ko sa bata. Lumapit naman kaagad siya sa'kin.

"Ano po yun, ate?"

"Samahan ko mo 'ko sa bayan. Papasyal lang tayo. Ayos lang ba yun sa iyo?" Tanong ko sa kanya at umaliwalas ang kanyang mukha.

"Talaga po ate? Sige po!" Natutuwang saad niya.

"Huwag ka mag-alala naipaalam na kita kay Manang Puring. Halika na" hinawakan ko naman sa pulso ang batang si Persia at sa gilid ng bukid nalang kami dumaan.

May lagusan dito na palabas ng kalsada kaso medyo masukal ang daanan.  Wala masyado rito dumadaan dahil sakop rin ito ang aming lupain. Nang makalabas na kami ay lakad-takbo kami, mabuti nalang ay merong kutsero dito at agad naman kaming nakasakay.

"Ate Estella, natutuwa po ko dahil makakapasyal na po ko ulit sa bayan ng Don Antonio! Gusto ko po mapuntahan natin yung plaza" Napatingin naman ako kay Persia at ngiting-ngiti siya.

Wayback to 1940sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon