Ika-anim na kabanata

839 35 10
                                    

Paalala: Ang kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pangalan, tauhan, pangyayari at lugar ay mula sa imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahawig sa totoong buhay ay nagkataon at hindi sinasadya. Maraming salamat!

Kabanata 6

"Estella!" Sigaw ni Divina, nauna siya sa pagtakbo habang ako ay nadapa pa. IIkang-ika akong naglakad napangiwi nalang ako sa kirot sa aking paa dulot ng pagkatapilok.

Naramdaman ko nalang ng biglang may humila sa kanang braso ko naging mabilis ang pangyayare namalayan ko nalang na napasandal na ko sa isang matigas na dibdib at yakap ako mula sa likod. Sisigaw na sana ako ng bigla pa niyang tinakpan ang bibig ko kahit na nakabalot ang mukha ko ng belo at namataan ko naman si Divina na papalapit sakin.

Ang bandang parteng gubat na ito ay talagang napakasukal saka may mga malalaking bato na nakaharang at medyo may kadiliman. Kaya't naman mahihirapan din silang makadaan dito. Iikang-ika na lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa isang kuweba.

Hinihingal naman kaming nagpunta at nagtago sa kweba. "Mga binibini, hindi niyo ba alam kung gano kadelikado ang pinasok niyo?"

Nanlalaki ang mata at parang nakakita ng multo si Divina. Napatingin naman din ako sa kasama namin ni Divina----napatitig nalang ako. Ang maganda parin ng pagkakaayos ng kanyang buhok kahit na parang sumabak kami kanina sa isang gera.

Umupo naman kami sa mga iilang batong naririto.

"Pasensya na ginoo, aalis nalang kami rito sa kweba at gusto pa naming mabuhay" di naman niya sinabi agad na delikado  ang pinasok namin, akmang hihilahin ko ang braso ni Divina. Hinampas naman ng mahina ni Divina ang kamay ko.

"Ah--k-kashe po ginoo" inipit naman ni Divina ang kanyang buhok sa kanyang tainga. "napagbintangan itong kaibigan ko na magnanakaw sa Bayan hinabol naman kami ng mga guardia sibil kaya labis na lang ang pagtakbo namin"

"Manuel ang aking pangalan munting binibini" pagpapakilala naman niya sa kanyang sarili at malapad na ngumiti at bumalatay ang mapuputi niyang ngipin.

"Divina naman ang napakagandang kong pangalan" ani Divina at inipit pa muli ang kanyang buhok sa tainga.

"Binibining Estonietta? Ayos lang ba ang 'yong kalagayan?" Tanong ni Manuel, napalapit pa siya sakin at napaluhod para tingnan yung paa ko.

"Ah--oo, ayos lang naman ako." Sagot ko kahit na may kirot pa rin akong iniinda. Sa bahay ko nalang mamaya gagamutin ito.

"Sandali! Ginoong Manuel! Anong tawag mo sa kanya?" Naiintrigang tanong ni Divina na nakakunot ang noo. Wala siyang ideya na si Persia ang nagpangalan sa'kin. Pinanlakihan ko naman ng mata si Divina, makuha ka tingin Divina. Makisama ka naman oh.

"Binibining Estonietta. May mali ba akong nasabi. Munting binibini?" Napatikom nalang ng bibig si Divina at mukhang kinikilig pa sa harap ni Manuel at inilabas ang kanyang pamaypay.

"Wala naman ginoo" sagot ni Divina.

"Kailangan na nating makabalik sa Hacienda, Divina. Baka nag-aalala na si Ina!" Agad kong sabi. Isa pa baka malagot na naman ako kay Ama.

"Hala, oo nga. Pero paano 'yan baka mahuli ka na naman ng mga guardia sibil at makilala ka" Ani Divina.

"Ako ang bahala sa inyo mga binibini, may lagusan rito sa loob ng kweba paglabas ay may lawa tayong madadaanan" singit ni Manuel.

"Salamat talaga Ginoong Manuel!" Nangingiting sabi ni Divina.

"Kaso baka may ibang makakita sa'tin o di kaya makilala si Estel---este---Estonietta." Dagdag ni Divina. Napatingin naman ako kay Divina, mababatukan ko talaga siya mamaya pag nadulas siya.

Wayback to 1940sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon