Kabanata 10
Bisperas ng pasko munting salu-salo ang handaan naming pamilya may isang buong lechon at hamon rin na nakahain at talagang ginugunita ang tradisyon na Noche Buena ng mga Pilipino meron pa ngang mga bata na nangangaroling at tuwing pasko ay nagsasama-sama ang pamilya at di tulad sa Espanya, masasabi ko na isa ito sa masayang pasko ko dahil sa nakasama namin si Lola Elena isinama namin siya sa Don Antonio. Nung mga nakaraan kong pasko ay sa espanya hindi ganun ako kasaya dahil kadalasan ay nasa kwarto lang ako at puro mga kapwa negosyante lang ang mga bisita nina Ama at Ina.
"Maligayang pasko sa lahat!" Natutuwa namang sambit ni Ina. Inabutan niya rin ang mga kasambahay namin na mga regalo.
"Ate Estella! Ang ganda naman po nitong lutu-lutuan na binigay ninyo!" Nangiti naman ako sa sinabi ni Persia, pansin ko kase na mahilig siyang magluto-luto minsan tinuturuan narin siya ni Manang Puring.
"Ate Estella! Nagkita na po ba ulit kayo ni Kuya Manuel?" Tanong naman ni Persia. Kelan pa naging chismosa itong batang ito?
"Ah eh, oo."
"Talaga po? Kase nung isang araw pinapatanong ka niya po sakin kung nasaan raw po kayo e. Pero ang nasabi ko po ay umalis kayo papuntang Pampanga."
Napaisip naman ako sa sinabi ni Persia, nakita ko nga siya sa Pampanga at hindi ko inasahan iyon pero kung ganon ibig sabihin, sinundan niya ko? Teka--mali! Huwag ka ngang ambisyosa, Estella. Malamang ipapalala niya lang sakin na yung sa kaarawan ni Don Ruperto kaya ganun.
"Bakit naman niya raw ako hinahanap?"
"Hindi ko po alam. Pero po may nakita po kong nahulog niyang papel." Hinalukay naman ni Persia ang kanyang maliit na bag at mukhang hinahanap ang sulat.
Iniabot naman niya sa akin ang papel. "Hindi mo ba natanong kung kanino ito?"
Bigla ko namang nabuksan ang sobre at nabasa ang nasa taas na nakasulat dito.
MIKE. Ano naman ibig sabihin nito? Ibinalik ko nalang ang papel sa sobre.
Napailing naman si Persia. "Hindi po pero palagay ko po sa inyo kase ikaw yung hinahanap niya."
"Sa'kin??" Napaturo pa ko sa sarili ko.
Napatango naman siya, "opo, natawa nga rin po 'ko kase hinahanap niya rin po si Ate Estonietta buti nalang po di ko nasabing ikaw yun kase alam ko po na magagalit ka sa'kin at di mo na ko magiging bati."
"Mabuti, ano nalang sinabi mo?"
"Ang sabi ko po wala po si Ate Estonietta may pinuntahan sa ibang bayan." Parang nakahinga naman ako ng maluwag. Buti nalang talaga at hindi rin ako binuking ni Persia. Madali naman itong pakiusapan itong batang ito minsan lang may pagkamadaldal. Kaya kung pwede lang minsan ay lagyan ko na sa susunod ng pantapal ang bibig nito ay nagawa ko na. Pero siyempre di ko gagawin iyon dahil mabait naman siyang bata.
"Di pa naman siguro ako nahuhuli sa handaan?" Nagulat naman ako ng biglang sumulpot sa pinto si Divina. Agad naman ako napabalikwas at sinalubong siya ng yakap.
"Sandali Estella mukhang sobra ka naman yata nasabik na nakita ang kagandahan ko ah?" Natatawang aniya.
"Nasabik lang ako na makakwentuhan ka ulit at di kasama ang kagandahan."
BINABASA MO ANG
Wayback to 1940s
Ficção Histórica[HIGHEST RANK ACHIEVED: #17 in Historical Fiction 11/25/2017] Tayo'y magbalik-tanaw at tuklasan ang kwento nina Estella Ignacio na isang Nars at Manuel Antonio na isang sundalo, tunghayan kung ano ang mapagdadaanan nila at pagsubok sa pagmamahalan...