Ika-tatlong kabanata

1.1K 48 12
                                    

Kabanata 3

Napatingin ang ilang mga bisita sa mag-ina na nasa bukana ng Mansyon. "Paumanhin mga ginoo at binibini kung napalakas ang aking boses." paumanhin ni Donya Victorina habang nakatago naman sa kanyang likuran ang isang dalagita.

Napatango naman ng ilang mga bisita at nagpatuloy na sa pakikipagkwentuhan ang iba. "Donya Victorina! Sino iyang napakagandang dalagita na kasama mo?" Tanong ng isang Donya na si Donya Helen, isa sa bisita at malapit na kaibigan nina Don Ruperto at Don Romulo.

Papalapit si Donya Helen sa gawi nina Donya Victorina na may dala-dalang isang maliit na pouch at pormal din na naka-traje de mestiza at saya. Sa likuran naman ni Donya Victorina ay isang dilag na kasama niya ay may pasa at ilang galos sa kaliwang braso ay iniharap ni Donya Victorina.

"Siya ang aking anak si...Estella Ignacio" pagpapakilala ni Donya Victorina sa kanya kay Donya Helen.

Ngumiti naman ang dalagang si Estella, "Ako po si Estella, natutuwa po kong makilala kayo Donya Helen." bati naman ni Estella. Itinatago pa niya sa likod niya ang kanyang kaliwang braso na may galos. Siya ay naka-traje de mestiza na pares ay saya de cola na kulay crema na bumabagay sa kanya at disenyo na puro bulaklak.

"Ako rin hija! Natutuwa akong makilala ka." bumaling naman ang tingin ni Donya Helen kay Donya Victorina. "Victorina, itong dalagita mo ba ay may nobyo na?" tanong ng Donya.

Natawa naman ng mahina si Donya Victorina, "aba'y hindi pa ito nagkaka-nobyo. Nung kami naman sa espanya ay napakarami nitong manliligaw ngunit wala ni isa bumihag ng kanyang puso."

Natawa rin si Donya Helen sa kwento ni Donya Victorina, "Maari kong ipakilala sa kanya ang anak kong si Leonardo. Ka'y rami ring mga babaeng nahuhumaling sa kanya, tingin ko sila ay para isa't-isa" narinig naman ni Estella ang sinabi ni Donya Helen. Di na lamang niya iyon pinansin dahil sa naramdam niya na nasasagi ang kanyang galos.

Bigla namang lumapit sa kanila si Don Romulo at may dala itong wine glass na may laman na alak. "anak, mabuti naman at nakapunta ka rito, nais kang makilala ni Don Ruperto. Naalala mo pa ba siya?"

Napalingon naman si Estella sa kanyang ama, "Di ko na po siya masyado namumukhaan, ama" tugon ng dalaga.

"Romulo, ipakilala mo muna si Estella sa iba pang bisita at dito muna kami ni Helen" nagpaalam si Donya Victorina sa kanyang asawa at sumama kay Donya Helen

"halika anak, nasa hapag-kainan si Don Ruperto at tiyak na natutuwa siya na makita ka muli" saad ni Don Romulo sa kanyang anak at naglakad na sila papaloob sa mansyon. Napapatingin ang ilang mga bisita sa kanila lalo na kay Estella. Talagang nakakaagaw pansin ang kanyang kagandahan.

Nang sila ay makalapit sa hapag-kainan ay kasama ni Don Ruperto ang ilan pa nitong mga kaibigan at may kani-kaniyang hawak na wine glass na may lamang alak at nagtatawanan. Napahinto naman sa pagtawa si Don Ruperto at napalingon sa gawi nina Don Romulo.

"Don Romulo, iyan na ba ang dalaga mo?" Tanong ni Don Ruperto at tumayo sa kanyang inuupuan at lumapit. Napayuko naman si Estella at pasimpleng tinitingnan ang kanyang galos.

"Siya na nga, ang aking unica hija si Estella Ignacio" pakilala pa ni Don Romulo sa kanyang anak.

"Estella?" Tawag ng kanyang ama at napatango naman si Estella.

Wayback to 1940sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon