Kabanata 7
"Estella! Dalian mo na, naghihintay na sa'yo si Leonardo sa labas!"
"Opo ina!" Madaliang inayos ko na ang buhok ko at lumabas na ng kwarto ko. Si Ina naman kase kanina pa 'ko pinapamadali. Siya pa yata ang mas sabik at saka nakakapagtaka bakit bigla nalang magyaya si Leonardo? Hindi naman kami malapit sa isa't-isa.
Nadatnan ko naman si Leonardo na nakaupo sa salas. Napatingin naman siya sakin na iniiwasan ko ng tingin. Dahil parang nakaka-conscious ang kanyang tingin.
"Mauna na kayo sige na mag-iingat kayo. Leonardo anak, ikaw na bahala kay Estella" nagtatakang tingin ang ipinukol ko kay Ina. Dahil sa pagtutulak naman ni Ina sa'kin kay Leonardo. Hindi pa nga ako nagsasalita pinapaalis na agad kami ni Ina.
"Wag po kayo mag-alala basta't ako po ang kasama ni Estella ay paniguradong nasa mabuting kamay po siya." Pang-uuto ni Leonardo kay Ina. Kung ano-ano pa sinasabi, pwede namang umalis nalang kami. Humalik nalang ako kay Ina at nauna na kami ni Leonardo.
"San ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Basta ako ang bahala sa iyo, binibini" sagot nalang niya. Dahil diyan sa sagot na 'yan wala akong tiwala. Baka mamaya kung san-san naman niya ko dalhin. Kung umasta siya ay parang wala siyang nakitang kahihiyan sakin nung isang araw. Mabuti nalang iyon dalhin ayokong maging awkward ang samahan namin.
Sumakay naman kami sa kalesa at inalalayan ako. May pagkamaginoo naman pala siya minsan. Mayamaya ay hindi na pamilyar sakin ang lugar na dinadaanan namin. Di kaya magkasabwat sila ni Ina at wala akong alam sa kung anong plano niya?
"Yung totoo, umamin ka sa'kin Leonardo. Saan mo 'ko dadalhin?" Natawa lang siya tanong ko. Akala kase nagbibiro, hindi naman kami pero kung san-san niya ko dadalhin. Napahinto nalang ang kalesang sinasakyan namin at inalalayan naman niya ulit ako.
"Nandito na tayo" inilibot ko naman ang mata ko sa paligid. Teka! Ito yung lugar kung san kami napadpad nina Divina. Ang Bayan ng San Rafael!
Bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko at nagulat ako kaya naman hinila ko agad ang kamay ko. Napatawa na naman siya ng mahina.
"Magiging asawa na kita, hindi ko pa ba dapat hawakan ang mga kamay mo?"
Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Una sa lahat sa papel lang naman iyon, pangalawa hindi ko naman siya nobyo para gawin ang mga bagay na ganon.
Mukhang napansin niyang hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. "Paumanhin, Binibining Estella" bahagyang naman siyang yumuko.
Tahimik lang kami na naglalakad kung papansinin ko ang paligid mas malawak at mas maraming nagbebenta rito sa San Rafael. Napadaan naman kami ni Leonardo sa isang bentahan ng mga alahas.
"Binibini, nais sana kitang bilhan ng alahas. Gusto mo ba ay mamili na rin tayo para sa ating kasal?" Tanong naman ni Leonardo, napairap nalang ako dahil sa sinabi niya. Siya naman ay sabik na sabik sa kasalanan na magaganap, at kung may magaganap ba na kasal.
Saka ayokong magpakasal dahil ang pagpapakasal ay isang sagradong kasal para sa dalawang taong nagmamahalan at hindi magpapakasal dahil pinagkasundo. Isa pa, naawa din ako kay Leonardo dahil pakiramdam ko napilitan lang talaga siya at ginagawa niya lang 'to para tuluyang mahulog ako sa kanya.
"Estella hija, nandito ka rin pala" rinig kong boses. Napaangat naman ako ng tingin at napangiti nalang ako dahil isa 'to sa kaibigan ng mga magulang ko.
"Don Ruperto, kamusta po?" Lumapit naman ako para mag-mano sumunod naman si Leonardo.
"Leonardo hijo, nandito rin pala kayo. Balita ko ikakasal na kayo, kailan nga pala gaganapin?" ani naman ni Don Ruperto.
BINABASA MO ANG
Wayback to 1940s
Ficção Histórica[HIGHEST RANK ACHIEVED: #17 in Historical Fiction 11/25/2017] Tayo'y magbalik-tanaw at tuklasan ang kwento nina Estella Ignacio na isang Nars at Manuel Antonio na isang sundalo, tunghayan kung ano ang mapagdadaanan nila at pagsubok sa pagmamahalan...