Kabanata 12
YEAR 1941
Nagdaan narin ang bagong taon, munting salu-salo lang ang napaghandaan tulad nung pasko pero hindi naman ganun kagarbo. Gaya ng inaasahan ko, nakarating na ang bali-balitang nagdalang-tao ako kina Don Ramil at Donya Helen, mga magulang ni Leonardo. Kahit hindi naman talaga totoong balita malamang sobrang madidismaya sila. Hay.
"Aba't bakit hindi pa ba nga natin paagahin ang kasalan?" Untag ni Don Ramil. Mukhang pati siya ay nasasabik. Hindi ko naman magawang masabi agad kina Ama at Ina. Dahil nasa kwarto lang naman ako at nagpipinta ng bigla nalang akong sunduin ni Leonardo at inimbitahan kami kasama sina Ama at Ina. At hindi ko naman alam na agad na nakaabot yung balita na sa malamang ay sinabi na siguro ni Ama kina Don Ramil at Donya Helen.
"Tama, dapat ay pagplanuhan na agad natin iyan at nasisiguro kong magiging en grande 'yan bago ang paglabas ng magiging apo ko" Hagikgik pa ni Donya Helen. Napatampal nalang ako sa ulo ko, naku. Pano na 'to? Malamang madidismaya sila ng sobra sa ibabalita ko mamaya na hindi naman talaga totoo.
"Sana talaga ay lalake!" saad ni Donya Helen na napatingin pa sa'kin at ngiting-ngiti. Sinuklian ko nalang ito ng pekeng ngiti. Hala jusko, bakit ba naman kase madaldal itong mga magulang ko at nakarating agad sa mga magulang ni Leonardo.
Umubo-ubo naman ako kunwari para umpisahan ng sumingit, "naku, masama sa'yo hija ang magka-ubo. Makakasama 'yan sa bata." Iiling pa ni Donya Helen saka inabutan ako ng tubig.
"Gusto ko po sana sabihin na---" napalingon pa 'ko kay Leonardo na parang sinasabi na 'wag kong ituloy dahil malamang ay madidismaya ng sobra ang mga magulang niya pati na rin ang mga magulang ko. Eh, ano naman. Kasinungaling naman iyon.
"Ano iyon hija?"
"Na hindi po totoong nagdadalang-tao ako." Napayuko nalang ako, ayokong makita ang mga reaksyon nila, Matapos kong sabihin iyon ay namutawi ang katahimikan. Tsk. Ayan na.
"Bakit, hija? Nakunan ka ba?" Tanong ni Donya Helen at agad na umiling nalang ako.
"Hindi po totoo iyong balita, paumanhin po." Tipid kong sabi.
"Kung gayon, bakit kayo nagsinungaling sa amin?" Maotoridad na tanong ni Ama. Malamang sa dismaya ni Ama at umasa siya. Kahit naman siguro kung sinong naloko ay magagalit.
Napalingon pa ko kay Leonardo na tahimik lang, "P-Pasensya na po talaga ama, inakala ko lang din po na nagdalang tao ako." kasalanan niya 'to e. Kung umuwi na sana siya nung nakaraang araw hindi na sana pa lumala.
"Nag-aaral ka ng medisina, mga bagay na tungkol sa pagdadalang-tao at mga sintomas ay hindi mo alam?" Napapikit nalang ako at napabuntong-hininga. Ayoko ng makipag-talo kay Ama.
"Romulo, hayaan mo na ang anak mo. Tinatakot mo na naman." Pakalma ni Ina kay Ama.
"Estella, walang taong gustong maloko. Hindi mo alam kung gano mo kami nadismaya at napaasa." Tumayo si Ama sa inuupuan niya at umalis sa hapag-kainan at naiwan naman kami at sina Ina, Donya Helen at Don Ramil ay naiiling nalang at napabuntong-hininga.
Ginawa ko lang naman ang tama, inamin ko lang naman kung ano yung totoo.
"BAKIT mo sinabi sa kanila na nagdadalang-tao ako?" Ngayon naman ay kaharap ko si Leonardo para komprontahin, dahil sa kanya napahamak pa 'ko e.
BINABASA MO ANG
Wayback to 1940s
Ficção Histórica[HIGHEST RANK ACHIEVED: #17 in Historical Fiction 11/25/2017] Tayo'y magbalik-tanaw at tuklasan ang kwento nina Estella Ignacio na isang Nars at Manuel Antonio na isang sundalo, tunghayan kung ano ang mapagdadaanan nila at pagsubok sa pagmamahalan...