EPILOGUE :

3.3K 86 4
                                    

Rose Pov:
  Nagising nalang ako ng nakatali ang aking mga kamay mga paa at nakatakip ang aking mga bibig ng steel tape. Hindi ako makasigaw at makahingi ng tulong.

Agad kong ginamit ang boong lakas ko pero wala pa ding talab. Kaya naman ginalaw galaw ko ang aking upuan hanggang sa umilaw sa isang bahagi nitong kuwarto, at laking gulat ko ng nakita ko si Faith. Tong babaeng to agaw eksena sa buhay ko.

Agad niya akong nilapitan at tumawa.

"HAHAHAHAHA! Ano Rose?, mahirap ba?!!" Sigaw niya at tumawa ulit ng napakalakas.
Inalis niya ang tape sa bibig ko at agad naman akong sumigaw.

"AAAAAH! TULOOONG!" napakalakas na sigaw ko abot hanggang labas ng universe char.

"Sssh!!, ang ingay mo!!!" Sigaw niya at hinigpitan ang hawak niya sa leeg ko.

Agad naman niyang tinawag ang kanyang mga bodyguard at para kalasin ang pagkakatali ko. Hindi mo mawari pero tila ba madami atang tao na nasa paligid ko, hindi ko makita dahil sa dilim ng paligid, medyo nanlalabo na din kasi mata ko kapag hindi ako nag-a-eye glasses.

Agad nilang hinawakan ang aking mga braso at lalaban sana ako pero hindi ko sila kaya. Napakalaki ng kanilang mga katawan at walang talab ang mga paglaban ko sa kanila kaya nanghina ako.

"Diba Faith ang usapan ay hindi niyo sa sasaktan?!!" Sigaw ni Rolito.

"Ro..rolito?" Hinang hina ko ng sabi.
Hindi ko alam kung bakit narito si Rolito, bakit isa siya sa mga sangkot sa pananakit sa akin, hindi ko alam kung anong maling bagay ang nagawa ko sa kanya.

"Ba-bakit?" Mahina kong sabi. Pero wala siyang reply, tinitiga niya lang ako na parang hindi kami magkakababata.

"Si-simon, tulungan mo ako" bulong ko pero ang alam ko malakas pa din yun dahil narinig nila Faith at Rolito.

Hinang hina na ako. Ang tanging alam ko nalang ay si Simon, si Simon lang ang makakapagligtas sa akin... paiglip na sana ako dahil sa sobrang hina nang....

"Rose!"
"Rose!"

Siguro nag ha-hallucinate lang ako.

"ROSE!!" at nang iniangat ko ang aking ulo ay nakita ko si.
.
.
."Si-simon!" Sigaw ko pabalik.
Agad niyang sinugod ang dalawang mamang nakahawak sa akin at agad silang natumba. Agad niya akong niyakap.

"Rose, sorry.. sorry kung natagalan ako" sabi niya sa akin. Wala akong imik, hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako o hindi. Tila naramdaman ata ni Simon na wala ako sa ulirat kaya naman pinitik niya ang aking noo.

"Hindi eto panaginip Rose, andito na ako, si Simon na handang asarin ka." At tumawa pa siya.

Pinindot pindot ko lang ang kanyang pisingi kasabay non ay ang pagilaw ng boong paligid.

Laking gulat ko na ang dami palang tao, andito kami ngayon Theater area. Nagpapalakpakan sila, yung iba halatang kinikilig at napansin ko na si Faith at Rolito ay magkahawak ng kamay.

"Yes Rose, acting lang to, hahahaha! Best actress talaga ako diba Hon?" Sabay lingon kay Rolito, at hinalikan lang naman ni Rolito si Faith na siya namang ikinasigaw ng mga manonood.

"And by the way, yung dalawang mama diyan ay stunt actors sila, nirentahan ni Simon" sabi ni Faith with  big smile.

Nilingon ko naman si Simon pero nakatitig lang siya sa akin.

"Oh, siya exit na tayo, let their moment be shine" sabi ni Rolito kay Faith at bumaba na sila ng stage.

"Rose" sabi ni Simon habang hawak ang microphone.

Tumingin lang ako sa kanya. Naiiyak na ako. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon si Simon at nahahawakan ko siya ng buhay.

"Rose" sabi niya pa at ngumuso sa gilid. At nakita ko ang boong pamilya ko at ang pamilya ni Simon at mga kasama namin sa bahay/mansyon nila.

Unexpectedly ay naluha na ako.

"Ako na ba ang huling nakaka alam na bumalik ka na sa ulirat?!" Pagalit kong tanong sa kanya at tumango lang siya at dahil don ay mas lalo along napaiyak.

"Rose, I love you" sabi niya at nagsigawan ang mga audience, nahiya tuloy ako, nakita ko pa yung dean namin na sobrang kinikilig, kakuntiyaba din pala sa acting nato.

"I'm sorry kasi pinagantay kita ng isang taon at mahigit pa, I know that you suffered a lot, and by the way, narinig ko lahat ng pinagsasabi mo hahaha" sabi niya at nagtawanan din ang mga manonood.

Hinampas ko lang siya sa kaniyang balikat.

"And I promise, na hindi na kita ulit pag-aantayin, and I vow that I will take care on you for the rest of our lives" sabi niya pa at mas naluha pa ako sa mga sweet words na kanyang sinasabi.

Nabigla ako sa kanyang ginawa. Lumuhod siya sa aking harapan.

"Will you be my girlfriend?" Tanong niya at nilabas ang kwintas na napakaganda.

Hindi ako makaimik, lahat ng tao ay napatahimik at inaantay ang aking sagot.
Hinila ko patayo si Simon at agad ko siyang hinalikan. Halik na sabik na sabik bilang maging isang girlfriend niya, ignoranteng gurlfriend niya.

Lahat ng tao sa paligid ay nagsisigawan sa kilig. At ako din gusto ko ng maihi sa kilig. Hahaha.

Akala ko sa panaginip lang ang lahat ng ito, akala ko sa wattpad lang na binabasa ko, sa Movies na pinapanood ko, pero pwede palang mangyari sa totoong buhay.

Isa na eto sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko, na makilala ang isang napakguwapong Simon at alam ko na siya na, siya na ang makakasama ko hanggang huli. Sana araw-araw ganito kami kasaya, at pinapangako na aalagaan at mamahalin ko siya araw-araw, oras-oras at segu-segundo.
..

"Babe!" Sigaw sa akin ni Simon.
"Yung baby umiiyak!!, napapanaginipan mo nanaman ba kung paano kita sinurpresa noon?" sigaw niya pa sa akin.

Agad naman akong tumayo at pinuntahan ang baby namin. Oo kasal na kami, at may baby na kami, we're both successful cardiologists and magiisang taon na din kaming kasal, by the way, napakaspecial ng kasal namin dahil sabay kaming kinasal kila Rolito at Faith, they're both a successful pediatricians kaya kung may problema kay baby takbo kami sa kanila. Di nga ako makapaniwala na magiging bff kami ni Faith, wala ng awkwardness sa amin dahil alam ko na mahal nila ang isa't isa ni Rolito.

"Oh, baby, tahan na, andito na me" sabi ko at agad kong binuhat si Baby Reign.

Tumigil naman na siya at bumalik na ako sa kuwarto namin ni Simon.

"Tabi" maikli kung sabi at tumabi naman siya.

"Mahal?" Sabi niya sa akin at niyakap niya ako patalikod.

"Op?" Sabi ko naman.

"I love you" maikili niyang sabi

"I love you more" sabi ko at natulog na kami ng may ngiti sa aming mga labi.

Dati di ko alam ang siyodad, pero dahil kay Simon natutunan ko kung paano makipagsapalaran, madami akong natutunan na alam kong madadala ko hanggang sa huling hininga ko.

--
End-

A/n: Thank you for reading this chapter. Please vote and share. Also please read
1. END
2. Raped Victim
3. Nang dahil sa Ballpen

ANG IGNORANTE KONG GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon