MARIVIENNE
"Kamusta? Iinom mo na lang iyang sakit sa puso mo ng matahimik naman ang kaluluwa mo. Ilang buwan na ba nung huli kayong nagkausap ng ex boyfriend mong magaling? Dalawa? Dalawa at kalahati? Marivienne, I'm telling you girl mag move on ka na. Si Kier naka move on na sa ibang kanlungan ng babae pero ikaw crayola pa din."
Padabog kong inilapag ang mug na may lamang kape na kanina ko pa sinisimsim at saka sinamaan ng tingin ang katrabaho ko na si Emma. She's being rude now. I don't want to hear my ex boyfriend's name anymore but here she is, making it harder for me to forgive and forget that shit!
"Oh ano? Natauhan ka na ba?" Naka ingos nitong tanong.
"Shut up, Emms. Kumukulo lang lalo ang dugo ko at hindi mo gugustuhin kapag sa iyo ko binunton ito!"
Nakairap ako nitong tinalikuran at bumalik na sa table nito. Napa hilamos ako ng mukha sa sobrang inis. Isinubsob ko na lang ang atensiyon ko sa project building design para sa isang malaking kliyente ng kumpanya. Makalipas ang isang oras ay sabay-sabay lumipad ang paningin namin sa chairman ng company na ngayon ay may kasunod na lalaki sa likuran. They are all wearing a three piece suit but that young man on the back is an eye catcher. He is utterly and dangerously handsome. Pakiramdam ko ay lahat ng babaeng empleyado na nakakakita dito ay tumutulo na ang laway. Dahan-dahan kong kinapa ang gilid ng bibig ko sa takot na baka may tumutulo na ngang laway. I sighed in relief nang makapang tuyo iyon.
Rinig na rinig ko ang singhapan sa paligid ng pumasok sa department namin ang bosses kasma ni mister dangerously handsome. Kilala na namin si mister Escala he is a strict but fair boss at alam din namin na may araw na nasa alma matter nito ito para mag turo sa mga architecture student, great boss isn't he? Pero ang mga kasama nito ngayon ay ngayon ko lang nakita.
"Good morning everyone!" He said in a beaming tone. Lahat kami ay sabay na bumati din dito. "I just want to introduce my son, Trevor Escala as our new chief executive officer."
Lahat yata kami ay napa nganga kasama ng mga kalalakihan na. He's way too young to be our ceo, except for that he is so handsome too!
"As a chairman of this company I will now gladly lend this position to my only son. Please be aware for some quick changes once he already settle. Thank you, you can all now go back to work."
Kung anong binilis ng speech ni boss siya ding binilis ng pag alis nila. Pakiramdam ko sa loob ng nakalipas na buwan ay ngayon lang ulit tumibok ng ganito ang puso ko. Kakaiba ang anak ni boss, hihikain ka ng wala sa oras.
"Marivienne! Psst..."
Naka taas ang kilay kong binalingan si Emma na mahinang tinatawag ang atensiyon ko. "Yes?"
"Anak ba talaga ni boss iyon? Mukang foreigner, ang gwapo nuh?" Kinikilig nitong sinilip pa ang dinaanan nila kanina paalis.
Wala akong naisagot kundi marahang tango.
Pero totoo naman kasi. No need to deny nor hide it. That Trevor Escala is utterly gorgeous, para siyang modelo na kalalabas lang sa mens magazine kahit pa nga napaka seryoso lang ng mukha nito at ni hindi man lang nagawang ngumiti ay nakaka hyperventilate na, so what more kapag ngumiti na siya?
"Single kaya iyon?" Kuryoso pa ring tanong ni Emma.
Napa hinto kami sa pag uusap ng lumapit naman si Kaye. She's also a junior architect, like all of us here. "Sorry girls, but mister Escala is no longer available. I heard na kasal na siya."
Nanlaki ang mga mata ni Emma at saka sumimangot. "Ang swerte naman ng babaeng iyon! Pinagpala sa lahat akala mo siya lang anak ng Diyos."
"Nakaka lungkot man ngunit wala na tayong chance sa papable na anak ni boss." Kunwari ay pinapahid pa nito ang mga mata na tila naiiyak.
BINABASA MO ANG
The Revelation (Trevor)
General FictionYou, me and her. I lost her when I finally had the chance to be with her. I found you when I am in the middle of grieving. Now, I am here doubting myself if I can love again the way I love her. Continuation of The Secret Daughter- Highest rank #47...