TREVOR
"Hey! I missed you love."
Napa hilamos ako sa mukha ng yakapin at akbayan ako ni Marco. "Seriously?" Inis kong tanong dito at saka naglakad papunta sa elevator. Pero naka akbay pa din sa akin ang kaibigan.
"Dude, it's been two years. Give it a rest okay? Visit her." He said it as if that was so easy on my part.
"Stop it, Marco. Busy ako at marami akong dapat na tapusing report sa bahay."
"You're just going to drown yourself with alcohol. That's not healthy anymore."
Sandali akong napa hinto at saka bumuntong hininga. "It's true. Totoong tinambakan ako ng trabaho ni daddy. Baka kagaya mo akala din niya ay magpapakalunod lang ako sa alak." Pinindot ko ang elevator button at hinintay na magbukas iyon.
"How 'bout my sister? She's been waiting for you, Trev."
Pinili kong walang maramdaman sa narinig. "She seems okay there. Kahit gusto ko nang sapakin si tito Gregorio for doing that shit."
"Hey! He's your father in law."
Nang bumukas ang elevator ay agad akong pumasok duon kasama ni Marco at saka pinindot ang ground floor. "Ano ba talagang ginagawa mo dito? Instead na ako ang ginagambala mo dapat ay hinahabol mo yung babaeng nagpatino sa iyo." Nakita ko ang pag asim nang mukha ni Marco bago sumandal sa dingding.
"She's not worth it."
"Says who?"
"I don't want to talk about her."
"Then stop talking about my wife."
"Nag aalala lang ako sa iyo."
"I won't kill myself, Marco. That's absurd."
Pag bukas ng elevator ay dirediretso na ako sa sasakyan ko. Namataan ko ang sasakyan ni Marco sa tabi niyon kaya hindi ko na kaialngan pang alalahanin kung makakauwi ba ito. He obviously can go home by the looks of it. I just waived at my best friend and drive my car away. Nakita ko pa itong seryosong sinusundan ng tingin ang sasakyan ko habang papalayo.
Ilang minuto lang ay nasa tapat na ako ng gate ng bahay ko. Napa buntong hininga na nanaman ako habang hinihintay ang katulong na pag buksan ako. Habang unti-unting bumubukas ang gate ay unti-unti din akong nilalamon ng lungkot. Sa harap ko ay naka tayo ang bahay na ipinagawa ko para kay Liyah. She will surely love this. Lahat ng design ay naka base sa gusto ng asawa at maging ang furniture ay naka base din sa taste nito.
Pagka park ko ng kotse ay dumiretso ako ng pasok sa bahay papunta sa master bedroom para maligo at magpalit ng damit. Napa hinto ako sandali habang unti unting binubuksan ang butones ng polo ko. Naka tunghay lang ako sa itaas ng kama. There she is, the picture of my wife smiling widely while holding a flower. Kuha iyon sa flower farm ni lola ilang araw matapos naming ikasal. She's so beautiful on that portrait. I heaved a heavy sigh and smile at my wife on the photo.
"Did you miss me too? I'm dying here, babe." Napapikit ako ng mariin at saka tuluyan ng hinubad ang polo ko at tumalikod papunta sa banyo.
Hinayaan kong lunurin ng malamig na tubig galing sa shower ang nararamdaman ko. It's been two years. Dapat hindi ko na nararamadaman ang sakit. Kaso patuloy lang iyon sa pag kirot na para bang mabubuhay na lang ako sa sakit na iyon. Matapos kong maligo ay nagpalit na ako ng pang tulog but the maid knock on my door just before I lay on my bed.
"Yes?" Tanong ko dito pag bukas ng pintuan."
"Si maam Mandy po nasa ibaba."
Napa kamot ako sa batok ko dahil sa magkapatid na ito. Paborito talaga nila akong bulabugin. I asked the maid to serve food to Mandy while I'm changing my shirt. Pagbaba ko ay namataan kong nakaupo sa dining table si Mandy habang kinakalikot ang cellphone.
BINABASA MO ANG
The Revelation (Trevor)
General FictionYou, me and her. I lost her when I finally had the chance to be with her. I found you when I am in the middle of grieving. Now, I am here doubting myself if I can love again the way I love her. Continuation of The Secret Daughter- Highest rank #47...