MARIVIENNE
"Bagay ba sa akin 'tong dress? " Kunot noo kong hinarap ang sarili sa bunso kong kapatid bago ako muling sumilip sa full length mirror.
"You look perfect, ate. At yung makakakita sa iyo ngayon tiyak na maiinggit sa ganda mo. Pasok na pasok sa banga iyang outfit mo!"
Natawa ako sa exaggerated na sinabi ng kapatid. Kanina pa ako tensed, at kanina pa parang umiikot ang sikmura ko sa kaba. This is it! Gusto kong mapasuntok sa hangin ng sabihin ni Trevor na ipapakilala niya ako sa family niya tonight. Akala ko nagbibiro lang ito pero ngayon ang patunay na totoo iyon at wala ng atrasan ito.
"Ate andiyan na ata si kuya Trevor. Kunin mo na yung shoulder bag mo! Yung sapatos mo nasa sala na ibinaba ko na kanina pa." Daig pa ni Kira ang isang nanay na may anak na aatend sa prom kung kumilos at magsalita.
I hugged my little sister before I decided to leave our house. "Thank you for being so supportive." Bulong ko sa kapatid.
Naka pout naman nitong niyakap din ako. "Anything for you ate. Nararamdaman ko din na ito na yung forever mo. I'm so glad that you finally found someone again after kuya Kier."
I kissed her cheeks and waved at my Kira. She gave me a flying kiss before I close the door. Paglabas ko ng bahay ay naka sandal sa sasakyan na bulto ni Trevor ang sumalubong sa akin. Napa lunok ako sa tanawin nito. He looked like a demi god with his clean and trim hair, neat shirt, jeans and boots. Masyadong agaw atensiyon at pansin ang presensiya ng binata na kahit ako ay hindi pa rin makapaniwala na akin na siya. Trevor is too good to be true.
Nang mamataan nito na paparating na ako ay agad na ngumiti ang binata at saka inabot ang kamay ko at niyakap ako. He even sniff my hair. Gustong kumawala ng puso ko sa kilig.
"You look perfect, Vien. No doubt that you're my girl."
Itinago ko sa pagtawa ang naguumapaw kong saya at kiliti. "Ang swabe mo talaga... "
"Are you excited? " Yung boses niya parang nang aakit.
"Of course. " Hindi ko alam kung saan ako excited. Sa event na mangyayari ngayon o sa binata. Pwedeng pareho?!
Pagdating namin sa bahay ng mga magulang ni Trevor ay namangha ako sa ganda at lawak niyon. Nakalimutan ko bigla na anak mayaman nga pala ang binata. Pagpasok sa loob ay sinalubong kami ng ina ni Trevor ng may ngiti. Kahawig nito ang anak at hindi halatang may edad na ito sapagkat wala man lang akong makitang wrinkles sa maamong mukha nito. Parang gusto kong mahiya sa ganda ng mother ni Trevor.
"You must be Marivienne? " She's all smile.
Tumango ako. Dahil dun ay agad ako nitong niyakap. "I'm so excited to meet you in person. Kaso itong si Trev napaka malihim ayaw ka niyang i-share sa amin. Matagal ko ng sinasabi na dalhin ka niya dito."
"Mom. " Marahang saway ni Trevor sa ina kaya pare pareho kaming natawa.
"I forgot to introduce myself, I'm Shara. At siguro naman kilala mo na ang asawa kong si Achil?" Nakakahawa ang ngiting ibinibigay ni tita Shara sa akin. Kaya ngumiti din akong ng todo at tumango.
"Ang ganda ganda niyo po tita. Parang magkapatid lang kayo ni Trevor."
"Ay naku! Onga alam mo kasi masyadong seryoso iyang anak ko sa trabaho to the point na mas napagkakamalan pa siyang matanda kaysa sa akin." We both laughed to what she said.
Iginiya kami ni tita Shara sa dining kung saan may mga pagkaing inihahain pa ang mga katulong sa kabila ng napakarami ng pagkain sa hapag. Naisip ko tuloy kung ilan ba kaming kakain ngayong gabi?
BINABASA MO ANG
The Revelation (Trevor)
General FictionYou, me and her. I lost her when I finally had the chance to be with her. I found you when I am in the middle of grieving. Now, I am here doubting myself if I can love again the way I love her. Continuation of The Secret Daughter- Highest rank #47...