TREVOR
Napa lunok muna ako bago marahang bumaba ng sasakyan. Pakiramdam ko ay tila unti unting bumibigat ang mga mata ko at anumang oras ay papatak ang luha ko. Pinigilan ko ang panginginig ng labi ko at saka umubo para maalis ang naka bara sa lalamunan ko. Dahan dahan lang ang bawat hakbang ko papasok sa Angelous Cemetery. Wala naman talaga akong balak na magpunta dito pero kasi napanaginipan ko si Liyah kagabi. She's smiling in there, calling my name and keep on asking how am I. I keep on saying how mess I am, pero parang hindi naman siya naniniwala kasi naka tingin lang sa akin ang maamo niyang mga mata.
Napa hinto ako sa tapat ng lapida na may nakasulat na pangalang 'Aliyah Samson Sebastian- Escala'. Pakiramdam ko ay tila kahapon lang ng mangyari ang lahat. Pag uwi ko sa mansion ng lolo at lola ko ay wala na ang asawa. Mag damag kaming naghanap dito until someone reported that they saw my car at the back of market. Pero wala si Liyah. Pakiramdam ko ay nauupos ako ng mga oras na iyon. Walang makapag sabi kung nasaan na ang asawa ko. Hindi ko alam kung buhay pa ba ito o kung sino ang kumuha dito. We reported it to the police immidiately.
Then Marco called us, he told me about Mandy's kidnapper at sa kasamaang palad kasama din duon si Aliyah. We did everything to track the location of the kidnapper. Humihingi ito ng ransom na sampung milyon na agaran naman naming ibinigay kasama ni tito Gregorio. Auntie Mace was hysterical throughout the operation kaya naiwan ito sa mansion ng mga Sebastian habang naghihintay ng balita. Nakuha ng mga kidnapper ang pera pero walang Mandy at Aliyah na inilabas ang mga ito. I almost killed the man named Ernesto when he told the authority that Aliyah was been killed and they throw her body in the cliff. Si Mandy ay napatakas ni Aliyah at hindi nahanap ng mga tauhan nito. Limang katao ang kinailangang pigilan ako para lang hindi mapatay si Ernesto. Halos talunin ko din ang bangin na sinasabi nito kung hindi lang ako nasapak ni Marco.
Hindi ko na napigilan ang pag patak ng luha ko sa naalala. Madali kong pinunasan iyon ng panyo at saka bumuntong hininga. Inilapag ko ang bulaklak sa puntod at nag alay ng taimtim na dalangin para sa asawa.
Si tito Gregorio ang nagpa libing sa asawa ko. Hindi ko matanggap ang lahat ng nangyari kaya halos dito ko ibinunton lahat ng sisi at galit ko para sa pagkawala ni Aliyah. Umuwi din galing ibang bansa ang kaibigan ni Liyah na si Andz kasama ng girlfriend nito. She's also hysterical by that time. She slapped me thrice, dahil pinabayaan ko daw ang kaibigan niya. Until now ay galit pa din ito sa akin.
Irene was also a mess. She's Lenna by the way, Liyah's little sister. Sinadya daw niya na huwag ng magpakilala sa ate niya sapagkat kailanman ay hindi na niya kinonsidera na kapatid pa ito. But I saw her weaping when they buried Aliyah's body."Trevor."
Kunot noo kong sinulyapan ang pinanggalingan ng boses na tumawag sa pangalan ko. Pero nanlisik sa galit ang mga mata ko ng mamataan si tito Gregorio na may dalang bulaklak din. "I should've know na pupunta din kayo para bukas na lang sana ako." Tumayo na ako at akmang aalis na pigilan nito ang braso ko kaya napa hinto ako.
"It's been two years. Ngayon mo lang dinalaw ang anak ko."
"You're too late now, tito. Wala na si Aliyah kaya wala ng patutunguhan pa ang pagmamalasakit na ipinapakita ninyo." Inis kong binawi ang braso ko at saka ipinasok sa bulsa ng pantalon ang mga kamay.
Bumakas ang sakit sa mga mata nito. "Ginawa ko lang kung ano ang akala kong tama. Nagkamali ako sa bagay na iyon, pero pinagsisihan ko din iyon. She deserved more than this. My daughter is a good kid, she never asked anything but love. Pero ipinagdamot ko pa din. I'm just glad that she found that in you."
Napapikit ako ng mariin at saka pinigilan ang sariling ibalya ang matanda sa harapan ko. Pero alam ko kung gaano kamahal ng asawa niya si tito Gregorio kaya kahit papaano ay nakapag pigil ako. Lalo na at pareho kaming nandidito sa libingan ni Aliyah. "Of course, she's my wife. I loved her, no, I will forever love her. Unlike you, tito. You never had the chance to saw how great she is and how powerful her love is. "
BINABASA MO ANG
The Revelation (Trevor)
General FictionYou, me and her. I lost her when I finally had the chance to be with her. I found you when I am in the middle of grieving. Now, I am here doubting myself if I can love again the way I love her. Continuation of The Secret Daughter- Highest rank #47...