II-12

3.9K 68 8
                                    

TREVOR

Naka pamulsa kong sinuyod ng tingin ang musuleo kung saan naka himlay ang labi ni Liyah.  Kasalukuyang nanduduon at nakatayo sa harap ng puntod ng asawa si tito Gregorio.  Malamang na dito galing ang malaking bulaklak at kandila na tila kalalapag lang sa puntod.

Napa pitlag ako ng may umakbay sa akin.  Pero napalitan iyon ng buntong hininga nang makilala si Marco.  He is all smile, taliwas sa katotohanan na kasing lungkot lang din niya ito dahil sa parehong dahilan- babae. Ilang taon na din niyang hinahanap ang babaeng iyon ngunti hanggang ngayon ay bigo pa rin ito.

"Kanina ka pa dito? " Tanong sa akin nito.

Umiling ako bilang sagot.

"Ayaw mong pumasok? " Tinapunan nito ng tingin ang ama at saka bumuntong hininga.  Naglabas din ito ng pakete ng sigarilyo,  kumuha ng isang stick at saka sinindihan iyon.

"I want my wife alone.  Maybe later. "

"Still possesive with her?  Nasasakal na sa iyo yung kapatid ko, pare."

Napa simangot ako ng tawanan ako ni Marco.  "Liyah's mine. Tama lang na angkinin ko ang akin lang. "

"Ganun ka rin ba kay Mari? "

Natigilan ako sa biglaan nitong tanong.  Napipilan ako hindi ko kasi alam ang isasagot ko. 

"I hope that you're not just using that girl to patch your sadness. She seems so in love with you,  Trev. "

"Magkaiba sila,  Marco. Liyah is my wife.  I've been in love with her since college days and I took care of her when everyone turn their backs on her.  I waited for her to comeback,  fixed her life and loved her.  I don't know kung may papantay pang ibang babae sa kanya.  Your sister is so special. And I hated the fact that your father didn't know that."

"He did,  pare. He always loved Liyah. Hindi lang niya maipakita o maipadama sa tamang paraan dahil kay mommy at sa amin na ding magkapatid. He is torn,  and I know how much he hated his self for that."

"So he chose to ruin and broke my wife's heart?"

Muling humithit ng sigarilyo ito. "She's gone now,  alam kong alam na ni Liyah ngayon kung gaano siya kamahal ni dad. Forgive him,  Trev.  Hindi na bumabata si dad."

Nagtagis ang bagang ko.  Pero muling napayapa ang dibdib ko ng maalala ang nakangiting mukha ng dating asawa.  Her smile is my light, she's my sun.

Bumuntong hininga muna ako bago binalingan si Marco para magpaalam.  Baka bukas na lang ako babalik dito para dumalaw kapag wala ng ibang tao. "I have to go,  may gagawin lang akong importante."

"Tumatakas ka na naman." Simpleng sagot nito.

Nagkibit balikat ako bago tumalikod at bumalik sa sasakyan ko.  Habang papalayo ay natatanaw ko pa ang naka tingin na bulto ni Marco sa sasakyan ko.

Diniretso ko ang daan papunta sa apartment ni Vien. Walang pasok ngayon sa opisina kaya malamang na nasa bahay lang nila ito. Itinigil ko ang kotse ko hindi kalayuan sa bahay ng dalaga.  Sapat upang matanaw ko ang bulto nito na ngayon ay papalabas ng pintuan habang may bitbit na itim na trash bag.  Maayos nitong iniwan iyon sa tapat ng gate upang siguro makuha na lang ng dadaan na truck ng basura. 

Taimtim kong pinagmamasdan ito.  From the way she walk,  move her hands,  sway her hips and brush those silly little hair away from her face.  She's so simple and there's something about her that keep on making me crave. Hindi ko alam kung ano iyon.  Pero sa bawat pintig ng puso ko ay may kaakibat na sakit iyon.  Ilang buwan na kaming palaging magkasama mapa kama man o saang lugar.  Ilang ulit na din umiikot ang rumor about us mapa telebisyon man o sa opisina.  Pero wala kaming label.

The Revelation (Trevor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon