II-19

4.4K 88 12
                                    

ZARIYA

Unti unting hinila ng antok ang kamalayan ko.  I fell asleep inside of our car going home within that night.  Ang blangko kong pag iisip ay tila dagat na pinuno ng kakaibang imahe. Unfamiliar images, unfamiliar faces and places. 

Sa panaginip ko ay nasa gitna ako ng walang hanggang lugar. Madilim ang paligid,  walang tao at walang kahit na anong tunog.  Then a light open up somewhere and I saw a old lady hugging two children.  They must be her daughters.  Ang makabagbag damdamin na iyon ay napalitan ng isang lalaki na marahas na humatak sa isa sa batang babae at hinampas ng walang humpay ang batang katawan nito.  Nanlaki ang mga mata ko at parang nagsikip ang puso ko habang pinapanuod ang eksena.  The little girl cried and begged but the man seems deaf to her whimper.  And another man came up,  he looks dashing and rich.  Kinuha nito ang batang babae at naiwan ang pamilya ng babae na unti unting nag laho sa hangin ang imahe nila. Gustong mapunit ng puso ko habang pinapanuod ang dahan dahang pagka labo ng imahe ng nanay at isa pa nitong anak.

Pakiramdam ko ay nasa isa akong malaking pagtatanghal.  Hindi ko alam ang nangyayari at naguguluhan ako.  But one thing is for sure,  the little girl is telling her something. 

Images moved in fast forward.  The girl is crying all alone in a big room. Her tears is like an acid,  it's burning me.  Then a man showed up,  he followed her everywhere,  he cherished her and I bet my whole life that he loved her.  Masyadong mabilis ang pangyayari at lahat ay wala akong naiintindihan.  Then the girl grown up as a lady.  She became someone far from the battered little girl and there's the image when she got married.  There's a flower field,  beach,  bedroom and lastly the image where she was thrown out from the car to the water.  She seems lifeless and hopeless and I wanted to cry for her story.

Bigla kong naidilat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagyuyog ni Reid sa katawan ko.  Habol ang hininga na sinulyapan ko ang asawa na puno ng pag aalala ang mukha.  Ito pa mismo ang nagpunas sa luhang nasa pisngi ko.

"Hush now,  Raya.  It's just a bad dream, that's not true." Patuloy ito sa pag punas sa mga luha ko habang akbay ang balikat ko. I also see the hard part on his jaw.  It's as if he's gritting his teeth.

"I'm terrified!" Sagot ko sa nanginginig na boses. 

"It's just a dream! Hindi lahat ng panaginip ay totoo. You don't have to be scared.  I'm here,  I will protect you, Raya."

Mariin kong ipinikit ang mga mata at sa nangangatal na kamay ay inabot ko ang pisngi ni Reid at saka umiyak ng umiyak.  What I saw earlier,  that was me... And Reid was not part of it.  And I'm terribly scared to find out that everything around me right now is nothing but lies. 

Hinatak ni Reid ang balikat ko at niyakap ng mahigpit ang katawan ko.  Yung yakap na tila sinasabing hindi niya ako pakakawalan anumang mangyari. 

Napadilat ako ng mga mata kinaumagahan ng marinig ang tawa ng anak na si Tyzer. Inilibot ko ang mga mata sa paligid at saka sinalubong ng portrait naming mag asawa.  It's been two days now, simula ng maalala ko ng pahapyaw ang mga bagay na naiwala ko sa aksidente.  Naupo ako sa kama at sinulyapan ang teresa. Duon nagmumula ang masayang tawa ng anak.  He must be in the garden right now.

Akmang sisilipin ko si Tyzer ng pumintig ang ulo ko.  Muli akong napaupo sa kama at napasapo sa ulo. This head ache is being a nuisance.  Simula ng party ay napapadalas na ang pag sakit ng ulo ko.  Sa halip na mag pa apekto ay idinaan ko na lamang sa ligo at pagbababad sa bathtub ang sakit. 

Tulala ako habang naka lubog ang katawan sa tubig.  Pinapakiramdaman ko ang sarili. Ilang ulit kong inisip nang maigi ang nakita ko sa balintataw na mga imahe pero lahat ng iyon ay iisa lang ang konklusiyon ko- ako ang batang babae. Pero sino ang binatang palaging naka sunod sa akin nuon?

The Revelation (Trevor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon