II-20

5.1K 117 15
                                    

ZARIYA

It's still so hard to grasp everything I found out the other day.  Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi ko inaasahang bigla na lang babalik sa akin ng isang bagsakan ang lahat ng naiwala kong memorya. At mas lalong hindi ko inaasahan kung gaano kasakit ang mamumulatan kong katotohanan sa muling pagbabalik ng mga ala-ala ko. 

Ang sakit sakit. 

Sinulyapan ko ang anak na mahimbing na natutulog.  Katatapos ko lang itong basahan ng kwento para mahimbing. Habang pinaka tititigan ko ito ng maigi ay si Trevor ang naaalala ko.  He will probably love the idea of having a son. Buo sana kami ngayon,  masaya at nag sasama kung hindi lang nangyari ang lahat ng kaguluhang nilikha ni tiyo. 

I kissed my son's forehead and hugged him lightly.  Nahiga din ako sa tabi ng anak at saka marahang hinaplos ang buhok nito.  Tanging aircon at marahang pag hinga na lamang ng anak ang naririnig sa buong kuwarto.  Kasabay ng lamig ay ang panlalamig din ng kalooban ko. Ngayong alam ko na ang lahat ay hindi ko alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko at maging ang anak ko.  Tanging ang buhay ko sa England ang natitirang solusyon ko.  I wanted to run away,  to leave this mess and to have a peaceful life with my son alone. 

Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob kay Reid at bagkus ay gusto kong maunawaan ang dahilan kung bakit ito nag sinungaling at nagpakilala bilang asawa ko.  Sa kabila ng kasinungalingan ay ang katotohanang inalagaan at minahal kami nitong mag ina.  If it's not for him I would've been dead now three years ago. 

Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na ako at lumabas ng kuwarto bitbit ang cellphone ko ay dumiretso ako sa teresa at naupo duon.  Pinapanuod ko ang walang hanggang kadiliman na may mangilan ngilang ilaw na nagmumula sa mga kabahayan. Hindi ko din alintana ang lamig ng pang gabing hangin.  At habang naka tanaw ako sa dilim ay walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang kapatid na si Marco.  I need his help.  I need him to escape. Pinunasan ko ang luhang umalpas sa pisngi ko at saka lakas loob na nag type ng numero sa cellphone. I typed his old private phone number hoping that he's still using it.  Kapag walang sumagot sa kabilang linya ay mapuputol ang pisi ng pag asa ko.  Gusto kong makausap ang kapatid bago si Reid.  Gusto kong tumakas ngunit hindi sa nagpapanggap na asawa kundi sa totoo kong asawa na ngayon ay malapit ng ikasal sa piling ng ibang babae. 

Kagat ang labi kong pinindot ang call button at saka tahimik na nagdadasal ng panalangin na sana ay active pa din ang number na ito.  Marco is my last resort,  I need him right now.  He's the only one I know who will be willing to help me without asking anything in return. 

Nahigit ko ang hininga ng tumunog ang kabilang linya hudyat na pumasok ang tawag ko.  I almost cursed in so much joy.  Kahit papaano ay pinapanigan pa din ako ng tadhana. 

"Hello,  who's this? " Seryosong tanong ng nasa kabilang linya ng may sumagot sa tawag ko. Marco's voice is so manly, just like before.  Buong buo at lalaking lalaki. 

I inhaled first and clear my throat before I find the courage to answer back.  "I-it's me,  Marco."

Narinig ko ang ilang segundong pag tahimik ng kapatid sa kabilang linya bago ito mahinang nagmura at galit na sumagot.  "I am asking you,  who is this?  No one's allowed to call this line except for my family.  So who the hell are you? "

Tears start to pool on my eyes and I shift my gaze upward to stop it from falling.  "It's me,  L-Liyah. I need your help,  Marco."

I heard a ruccus and something broke at the background.  Tila nabitawang baso o anu man iyon. "What the hell?  Niloloko mo ba ako?  My sister has been dead for three years now at kung sino ka man ay tigilan mo na ito bago pa kita ipakulong! This is not a good joke,  I'm telling you.  Trying to fool me in behalf of my sister is dangerous."

The Revelation (Trevor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon