MARIVIENNE
"Oi, okay ka lang? "
Marahan akong tumango sa tanong sa akin ni Emma. Pero sa totoo lang ay parang gusto ng tumalon ng puso ko sa kaba. Kapag mainamalas ka nga naman ang aga aga si sir Trevor na kaagad ang nabungaran ko sa opisina. Kasalukuyan nitong kinakausap ang head namin na tila may iniuutos dito.
Hindi naman niya ako tinatapunan ng tingin ni kahit sulyap pero heto ako at para nang hihimatayin dahil lang nakita ang lalaki. Traydor talaga ang puso ko. Kakabiyak pa lang dahil sa katarantaduhan ng ex ko pero heto at lumalandi na yata ulit sa amo pa niya na alam niyang never niya ma ri-reach ang ka yamanan, ka gwapuhan at kasarapan ay este kasungitan pala.
"Hindi ka okay, kung ano man iyang bumabagabag sa iyo ay malamang na involve si boss."
Lumipad kay Emma ang mga mata ko. Naka de-kuwatro ito sa swivel chair habang nakataas ang isang kilay. "What? "
"Ayun na nga ba! Nag umingles na, hoy Mari tigilan mo na iyan mas masama sa kalusugan si sir Trevor. Duon ka na lang sa nakakasulasok mong ex na si Kier."
Bumuntong hininga ako at saka nangalumbaba. Sinundan ko ng tanaw ang paglabas ni sir Trevor ng opisina kasunod nito ang sekretarya. Dahil sa ginawa ko ay kinalampag ni Emma ang table ko kaya muntik na akong mapatalon sa gulat.
"Ano ba?! " Asik ko sa kaibigan.
"Lumalandi ka na ulit? Pero sabagay dapat lang, nakakahiya naman kung hanggang ngayon broken ka pa rin kay Kier. Which is so pathetic! Pero Mari naman, heart ache ba ulit ang hanap mo at si boss naman ang tinatanaw tanaw mo? He's taken, for Pete's sake. "
"A-alam ko." Napa nguso ako ng maisip ang asawa nito. Kagabi habang nagmamaneho ito ay nakita ko na may wedding ring pa rin sa daliri nito, indikasyon na hanggang ngayon ay mahal pa rin nito ang asawa.
"Ayun, mabuti yung malinaw. Baka mamaya makita na naman kita isang araw na ngumangawa ng dahil sa lalaki."
"Kasalanan ko ba na mahina masyado ang puso ko? "
"Bakit sinisi ko ba iyang puso mo? Bakit mo dinadamay sa usapan iyan?"
"Eh bakit ang lakas mo makakontra? Ano namang masama kung crush ko si sir? "
Nanlaki ang mga mata ni Emma at saka napa takip ng bibig. "Punyeta ka! Heto na naman, masasaktan ka na naman gaga ka! "
"Parte ng pagkatao iyon, ang masaktan para mas tumibay ka."
"Seryoso ako Mari, tigilan mo na hangga't maaga pa."
"Ang OA mo naman masyado. As if naman papansinin ako nun? "
"Paano kung mapansin ka nga? "
Natigilan ako at napaisip. "Then that's great. "
"Naghahanap ka lang ng sakit sa ulo."
"At pagmamahal." Dugtong ko sa nauna nitong sinabi na ikinasimangot lang ni Emma.
"As if mamahalin ka."
"Bakit naman hindi? "
"May asawa na iyon."
"She's dead, two years ago pa."
Napa awang labi ni Emma sa narinig. Sabagay hindi naman kalat ang nangyari sa asawa ni sir. Kakaunti lang ang may alam, malalapit pang kaibigan at kapamilya nito.
"T-totoo? Oh my g! Ang batang biyudo naman pala ni sir. Pero kahit na! Obvious naman na in love pa din ang amo natin sa asawa niya. Ni wala nga nakakaalam ng tungkol sa sitwasyon niya. Kasi gusto niyang isipin ng lahat na taken pa rin siya until now."
BINABASA MO ANG
The Revelation (Trevor)
General FictionYou, me and her. I lost her when I finally had the chance to be with her. I found you when I am in the middle of grieving. Now, I am here doubting myself if I can love again the way I love her. Continuation of The Secret Daughter- Highest rank #47...