ZARIYA
Reid have a big and happy family. Masyadong jolly ang ina nito, komikero naman ang padre de pamilya at halatang masayahin ang ilan sa kapatid ni Reid. Hindi ko alam kung bakit pero binabalot ng kakaibang pakiramdam ang puso ko. Hindi ko mapangalanan kung ano iyon ngunit sapat na para kaawaan ko pang lalo ang estado ng memorya ko.
I feel alien at the moment. Kahit pa malugod akong tinanggap ng pamilya ni Reid ay pakiramdam ko'y hindi ako nababagay sa ganito kasayang pamilya. Pakiramdam ko hindi ganito ang pinag mulan ko.
"Are you fine, hija? " Bakas ang pag aalala sa mga mata ng ina ni Reid na si nanay Carmen. May bitbit itong bandehado ng ulam at halatang napadaan lang sa tapat ko at ang tungo talaga dapat ay ang dining room.
"O-okay lang po ako, nay."
"You look tired, napagod ka ba sa biyahe niyo? Ito naman kasing si Reid, I told him a lot of times na dito na lang kayo para mas marami tayong time makapag bond. O baka naman nahahapo ka na sa kalikutan ng apo ko? Nasaan ba si Fernan ng may kahalili ka naman? "
Hinawakan ko sa kamay si nanay at saka ito nginitian. "Salamat po sa concern pero ayos lang po talaga ako. May iniisip lang ako."
Kumunot ang noo nito. "Stop overthinking, Raya. Makakasama sa iyo iyan. Why don't you just enjoy the food? Masarap akong cook baka hindi mo naitatanong. Hindi ba naipag yabang sa iyo ng asawa mo ang kakaiba kong abilities when it comes to cooking? "
"Hindi pa po. Pero sa tingin ko ay totoo iyon base pa lang sa amoy ng niluto ninyo, nay. " Pareho kaming naghagikhikan.
Tinulungan ko na sa pag bubuhat ng pagkain si nanay. Tapos ay sabay sabay na kaming lahat nananghalian. Maingay ang hapag, malayo sa bahay namin kung saan pulos katahimikan lang ang bumabalot sa amin ni Reid. At may pakiramdam ako na hindi rin ako sanay sa ganito kahit nuon. Pakiramdam ko first time ko kumain ng ganito. Kaya masaya ako na naransan ko din kahit papaano.
Katabi ko si Reid na kandong si Tyzer na sinusubuan nito. I offer to feed our son but he refused. Mukhang mas sanay naman si Tyzer na si Reid ang nag aalaga dito. Kung sabagay mas matagal na nakasama at nakamulatan ni Tyzer ang ama kaysa sa akin na dalawang taong tulog.
"Kelan ang balik niyo sa ibang bansa, nay? " Kuryosong tanong ni Reid habang hinihintay matapos ngumuya si Tyzer at lunukin ang isinubong pagkain dito.
"One month, ilang taon na din kami duon. Miss na namin ng tatay mo ang pinas. At tsaka gusto namin masulit si Tyzer. Tingnan mo nga at ilag pa sa amin, hindi pa kami kilala ng apo namin. And besides, we want to help Raya. Mahirap ang situation niya but we will do what we can to help the both of you."
"Paano sila Mitsy? " Balik tanong ni Reid na nag tinutukoy ay ang bunso nitong kapatid na nasa secondary pa lamang.
"Katatapos lang ng semester nito. May two months na pahinga sila. Kaya ayos lang."
Nagpatuloy ang usapan sa mga ganuong topic habang tahimik lang akong nakikinig at nakikiramdam. Minsan naman ay natutulala ako dahil sa dami ng tumatakbong katanungan sa isip ko pero wala naman akong mahanap na sagot.
Nang matapos kumain ay patuloy pa din sa masayang disposisyon ang lahat. Pero ako pinili kong panuorin si Tyzer na nakikipag laro sa pinsan nito. Ilan kasi sa kapatid ni Reid ay may anak na din at ang iba ay kaedad ni Tyzer. Kasalukuyang nag hahabulan sa front lawn ang tatlong chikiting habang nakaupo lang ako at naka subaybay.
"You want some? "
Nilingon ko si Reid. May inaalok itong baso na may lamang orange juice. Inabot ko iyon at marahang sinimsim.
BINABASA MO ANG
The Revelation (Trevor)
General FictionYou, me and her. I lost her when I finally had the chance to be with her. I found you when I am in the middle of grieving. Now, I am here doubting myself if I can love again the way I love her. Continuation of The Secret Daughter- Highest rank #47...