Nandito ako ngayon sa loob ng elevator ng kompanyang pag-aapplyan ko sana ng trabaho.
Nairefer ako dito ng kaibigan kong bakla at sabi niya maganda ang trabaho dito.
Nagresign daw kasi yung dating sekretarya dito at hiring sila ulit ng bago.
Pero nagkaproblema lang dahil hindi natanggap yung application ko. Kailangan daw nila ng nakapagtapos sa college. May experience naman siya kaso nga lang talaga kailangan daw ng college graduate.
Hindi naman sa akin sinabi ni Charlie, ang kaibigan kong bakla, na may qualifications palang ganon.
Hindi ko tuloy mapigilang manlumo. Kailangang-kailangan ko pa naman talaga ngayon ng trabaho para may ipangtustos sa gamutan ng kapatid ko.
Naubos na namin yung naiwang pera ni mama noong nakaraan lang.
Habang iniisip ko ang kalagayan ng kapatid ko, hindi ko talaga maiwasan malungkot.
Wala na sila mama at papa. Ayoko namang pati siya mawala sa akin.
Napaiyak naman ako sa isiping iyon.
Busy ako sa pag-iyak nang bigla nalang bumukas ang elevator. Akala ko nasa ground floor na ako pero hindi pa pala.
Pumasok ang isang lalaking nakasuot ng corporate attire at pinindot ang isang button pababa din.
Bakit ba kasi ang tagal bumaba ng elevator na ito?!
Papahiran ko na sana ang mga luha ko nang makita kong nag-abot sa akin ng panyo ang estrangherong kasama ko dito sa elevator.
"Take it. I hate seeing women cry.", mahinanong sabi ng lalaki.
Dahan-dahan ko namang iniabot yun at ginamit ito sa pagpahid ng luha ko. Pero yung emosyon ko ay nadadala pa din ng kalungkutan, imbes na huminto na ako sa pag-iyak, mas lalo pa akong napaiyak.
"S-sorry. Ang dami ko kasing problema. Hindi ko na mapigilang umiyak. Sa sobrang dami, nagkapatong-patong na. Ang bigat lang sa loob.", sabi ko habang umiiyak.
"Kailangan ko talaga ng trabaho pero it looks like the job here is not really for me. Hindi kasi ako qualified kaya hindi ako natanggap.", dagdag ko pa.
"Bakit kasi ang unfair ng mundo? Bakit kasi lahat ng problema sa akin binigay? Ayokong sumuko para sa kapatid ko pero sobrang nakakapagod din.", pagtutuloy ko.
Tumahimik naman ako at pinahiran na naman ang mga luhang tumutulo sa mukha ko.
Gusto ko pa sanang magsalita pero napigilan ako ng biglang pagbukas ng pintuan ng elevator.
"Pasensya ka na, isasauli ko nalang ang panyo mo kapag may pagkakataon ulit na magkita tayo. Sorry kung sayo ko pa nailabas yung frustrations ko.", sabi ko at tatalikuran na sana siya nang bigla siyang nagsalita.
"How about coffee with me? I want to discuss something with you."
Medyo nagulat pa ako sa alok nito pero hindi na ako tumanggi at um-oo nalang at sumama sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bound By Papers
Romance"Let's have an agreement.", sabi ng lalaking kaharap ni Camille. Nagulat ang babae sa sinabi nito at hindi niya mapigilang mamangha at magdalawang-isip. Mamangha dahil may inaalok ang isang gwapong lalaki sakanya. Pagdadalawang-isip dahil baka nilo...