Chapter 5

26.5K 434 0
                                        

11 years ago...

"Mama kumain na po kayo. Naghanda po kami ni ate Sasha ng pagkain.", sabi ko kay mama.

Alas kuwatro na ng hapon. Narito lamang si mama sa sala ng bahay namin nakaupo, hawak niya ang picture frame na may litrato naming buong pamilya. Nakatulala si mama sa kawalan.

"Ma..", pagtawag ko ulit sakanya.

Hindi pa din ito natitinag sa kinalalagyan niya.

Hinayaan ko nalang si mama at bumalik ako sa kusina kung nasaan si ate Sasha na inaayos ang mesa.

Umupo ako sa hapagkainan na walang gana. Kakauwi lang kasi namin galing sa sementeryo. Inilibing na si papa kaya siguro ganon ang estado ni mama.

Natutulog naman si Astrid sa kaniyang kwarto.

"Kain ka na Camille. Pabayaan mo muna ang mama mo. Malungkot lang siya.", sabi ni ate Sasha sa akin.

Tumango ako ng dahan-dahan.

Tahimik nalang akong kumain.

Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam ako kay ate Sasha na lalabas lang ako saglit. Pinayagan naman ako ni ate Sasha kaya hindi na ako nahirapan pa.

Naglakad ako papunta sa mini playground ng aming subdivision. Mas lalo akong nalungkot dahil naalala kong dito ako dinadala ni papa tuwing gusto kong umalis sa bahay.

Noong wala pa si Astrid sa buhay namin, alagang-alaga ako ni papa. Hindi niya ako hinahayaang malungkot. Kahit gaano kabusy si papa, gumagawa siya ng paraan para lang makapaglaan ng oras sa akin.

Nanghihinayang lang ako. Kasi nong nabuhay si Astrid, hindi man lang gaano naranasan ng kapatid ko ang ganoong trato ni papa sa akin.

Hindi kasi nila mama at papa inaasahang magkakaroon pa ako ng kapatid kaya nagulat nalang sila nong malaman nilang magkakaroon na ulit ng bata sa pamilya namin.

Ako naman noon, tuwang-tuwa kasi may kapatid na ako. Hindi na ako mag-iisa at may kalaro na ako.

Pero simula nang maisilang si Astrid, madalang nang magbigay ng oras si papa para sa akin.

Lagi na siyang abala sa trabaho dahil sabi niya hindi pupwedeng hindi siya magtrabaho dahil hindi kami ni Astrid mabubuhay.

Naupo ako sa swing. Tahimik ang playground ngayon. Siguro dahil iyon sa oras pa ng klase.

Mag-iisang linggo na pala akong hindi nakakapasok sa eskwelahan.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Why are you alone?"

Napalingon naman ako sa biglang nagsalita.

Nakita ko si Zach at bigla akong sininok.

"Here. Drink some water.", pag-abot niya sa akin ng isang bote ng tubig.

Sininok pa din ako ng sininok kaya wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang inaalok niyang tubig.

"Bakit ka ba nag-iisa? You could've told me para sana nasamahan kita.", sabi ni Zach.

Bound By PapersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon