11 years ago...
"Mama, tingnan mo si Astrid oh! Ayaw makinig sa akin. Pinaglalaruan pa din po yung lupa.", pagsusumbong ko kay mama.
Andidito kami sa likod ng bahay namin.
Sabi kasi ni mama anniversary nila ni papa ngayon kaya kailangan daw namin yun i-celebrate.Tiningnan ko si mama na abalang nag-aayos ng mesa at tila ba'y hindi niya narinig ang aking pagsusumbong.
Inutusan kasi ako ni mama na bantayan si Astrid habang inaasikaso niya yung mga pagkain. Kaso si Astrid, ang aking baby sister na three years old, ayaw naman makinig sa akin.
"Astrid, tayo ka na diyan! Sige ka. Kapag naabutan ka ni papa na madungis ka, hindi ka niya bibigyan ng chocolates.", sabi ko sa kapatid ko.
Tiningnan lamang ako ni Astrid at saka niya ako inirapan.
Aba'y! Napakabruha talaga ng batang ito.
Wala na akong nagawa kundi ang hayaan ang kapatid sa ginagawa nito. Hindi din naman gumagana sa batang ito ang pananakot.
Ako ay walong taong gulang na. Ako ang panganay at si Astrid naman ang bunso. Limang taon ang agwat namin ng kapatid ko.
Hindi kami kagaya ng ibang magkakapatid na masyadong malalapit sa isa't isa. Yung araw kasi namin, hindi nabubuo kapag hindi kami nagkakasabunutan o nagkakasakitan.
Sa itsura lang din, syempre ako yung mas maganda. Ako panganay eh. Nagmana ako kay mama. Halos lahat ng katangian ni mama nasa akin. Mayroon akong magandang kutis. Ang aking mga labi ay katulad din ng kay mama na manipis at natural na mapula. Ang aking buhok ay mahaba at may kulot sa dulo. Pero ang mga mata ko ay kulay brown na nakuha ko kay papa.
Si Astrid kasi, nagmana siya kay papa. Medyo may katangkaran din itong batang ito. Yung labi niya ay makapal. Maikli lamang ang kanyang buhok ngunit laglag ito. Wala kang makikitang bakas ng kung ano mang kulot. Pareho din kami ng kulay ng mata. Pero itong si Astrid, matalino itong batang ito. Maaga siya natutong maglakad at magsalita ng mga buong salita. Kapag kausap mo nga tong batang ito, para ka lang ding kumakausap ng matanda.
"Astrid, tayo ka na. Sige na. Dadating na si papa oh. Pagagalitan ka talaga non.", pamimilit ko sa kapatid ko.
Tiningnan niya ako ulit at tumayo na sa kinauupuan. Pinagpag niya ang kanyang mga kamay at palda. Binelatan niya pa ako bago siya pumasok sa kusina.
Pinulot ko yung mga kalat na naiwan ni Astrid. Pagkatapos ay sumunod ako sa kusina.
Nakita ko si mama at Astrid na nag-uusap at parehong nakangiti.
Dumiretso ako sa lababo at hinugasan ang kamay ko nang maayos.
"Mama, pauwi na ba si papa?", dinig kong tanong ni Astrid kay mama.
Nagpunas agad ako ng mga kamay at lumapit sa kanila sa mesa.
"Pauwi na yon, nak. Gutom ka na ba?", tanong ni mama sakanya.
Nginitian ko si Astrid pero inismiran lang ako nito.
Kung wala lang si mama nako, malamang kanina ko pa to nabanatan. Napakamaldita. Saan niya kaya napulot yang ugaling yan? Ang bait nila mama at papa eh. Tapos siya parang kampon ng kasamaan. Hay nako.
BINABASA MO ANG
Bound By Papers
Roman d'amour"Let's have an agreement.", sabi ng lalaking kaharap ni Camille. Nagulat ang babae sa sinabi nito at hindi niya mapigilang mamangha at magdalawang-isip. Mamangha dahil may inaalok ang isang gwapong lalaki sakanya. Pagdadalawang-isip dahil baka nilo...