11 years ago...
"Ate bakit ang tahimik mo?", biglang tanong ni Astrid sa akin.
"Andito na tayo kaila ate Sasha oh. Tingnan mo, ayun yung crush mo oh.", nakangiti niyang sabi sa akin.
Niyakap naman ako bigla ng kapatid ko dahilan upang mapatingin ako sakanya.
"Galit ka ba sa akin ate? Bakit ayaw mo kong kausapin?", tanong niya ulit.
Hinimas ko ang buhok niya at pilit na ngumiti.
"Bakit naman ako magagalit sayo? Ayos lang ako Astrid. May iniisip lang ako. Maglaro ka na doon.", sabi ko sakanya.
"Sigurado ka ba ate?", tanong niya pa.
Tumango naman ako.
Tinalikuran niya ako at bumalik siya sa may sofa kung saan nakalagay ang mga laruan niyang dinala niya.
Andidito ako malapit sa bintana at nakaupo. Inaabangan ko yung kotse ni mama. Sabi kasi kanina ni mama bago siya umalis, bantayan ko daw muna si Astrid at ang bahay.
Pupunta lang daw siya sa ospital kasi andoon daw si papa.
"Oh Camille. Bakit ka naman andyan?", tanong ni ate Sasha.
"Wala po ate. Wala po kasi akong gana maglaro eh.", sagot ko kay ate Sasha.
"Gusto mo kumain? Nagbake ako ng cookies kanina eh. Nagrequest kasi si Zach na gusto niya kumain non.", pagkkwento ni ate Sasha.
So Zach pala ang pangalan ni crush.
Nagpilit nalang ako ng ngiti kay ate Sasha at tumango. Gusto ko matikman yung cookies na binabake ni ate Sasha at para makita nang malapitan si Zach.
Kahit ngayon lang mawala muna sa isip ko yung tungkol kay papa.
"Zach, clean the table. I'll serve the cookies.", sabi ni ate Sasha kay crush.
Nakaupo si crush sa mesa nila at mukhang nag-aaral dahil sa mga nakakalat na mga libro at notebooks.
Nakita ko itong seryosong nagsusulat. Ang pogi niya tingnan kahit wala naman siyang ginagawa masyado.
"Astrid, kain ka. May cookies dito.", sabi ni ate Sasha sa kapatid ko.
Nilingon ko ang kapatid ko at mukha itong walang narinig dahil busy ito sa paglalaro.
"Hatiran ko nalang po ng cookies sa sala si Astrid ate Sasha.", pagppresenta ko.
Tiningnan ko ulit si Zach at hindi manlang ito natitinag sa pag-aaral niya. Ni hindi niya nga magawang sumulyap sa akin.
Ang pogi niya pero ang snob. Walang pakiramdam sa paligid.
"Upo ka na Camille. Hayaan mo yang si Zach, pag nagsimula mag-aral kasi hindi na tinitigilan hangga't hindi natatapos.", nakangiting sabi ni ate Sasha.
Umupo naman ako sa harapan ni Zach kung saan walang masyadong nakapatong na libro.
Inilapag ni ate Sasha sa harap ko ang isang plato ng cookies.
BINABASA MO ANG
Bound By Papers
Romance"Let's have an agreement.", sabi ng lalaking kaharap ni Camille. Nagulat ang babae sa sinabi nito at hindi niya mapigilang mamangha at magdalawang-isip. Mamangha dahil may inaalok ang isang gwapong lalaki sakanya. Pagdadalawang-isip dahil baka nilo...