Chapter 4

26.5K 473 0
                                    

11 years ago...

"Ate, bakit nasa higaan si papa?", tanong ni Astrid sa akin.

Magkatabi kaming nakaupo dito sa may sala ng bahay namin.

Si mama ay abala sa pag-aasikaso ng mga bisitang dumarating.

Tiningnan ko si Astrid at ngumiti ng pilit.

Inakbayan ko siya at hinalikan sa noo.

"Pagod na si papa Astrid eh. Nagpapahinga lang siya.", sagot ko.

"Eh paano yun? Gisingin na natin siya para makain na natin yung ice cream ate.", sabi ni Astrid.

Napakainosente ng kapatid ko. Kung sana madali lang sabihin at ipaliwanag sakanya na kailanman ay hindi na magigising si papa..

"Kainin nalang natin yung ice cream. Hayaan muna nating magpahinga si papa. Okay ba yun?", pilit ko pa ding nginitian ang kapatid ko.

"Eh ate, gusto ko pong kasama si papa kumain ng ice cream.", bakas ang lungkot sa kanyang pananalita.

"Gusto mo bang magalit si papa?", tanong ko.

Umiling naman si Astrid.

"Ayan naman pala eh. Hayaan muna nating matulog si papa.", sabi ko sakanya.

"Sige, dito ka lang at kukunin ko yung ice cream. Okay?", sabi ko sakanya.

Ngumiti naman ito at tumango-tango sa akin.

Dumiretso ako sa may kusina at nadatnan si mama na nakaupo doon at nakatulala sa may kabaong ni papa.

Lubos ko nang naiintindihan ang mga pangyayari. Narinig ko kanina na sinadya ang pagkamatay ni papa.

Kahit isang beses simula nang maiuwi dito sa bahay ang bangkay ni papa, hindi ko pa nakikitang nilapitan ito ni mama.

Ang tanging ginawa lang ni mama ay ang mag-asikaso ng bisita o kung hindi naman ay nandidito lang siya sa kusina.

"Ma, ayos ka lang po ba?", tanong ko.

Lumipat ang tingin niya papunta sa akin. Ngumiti ito sa akin ngunit alam kong pilit lamang iyon. Nakikita ko pa din ang lungkot sa kanyang mga mata.

Lumapit ako kay mama at hinawakan ang kanyang kamay.

Hinigit ako ni mama at niyakap niya ako. Niyakap niya ako nang pagkahigpit at matapos ay hinalikan sa noo.

"Ayos lang ako anak.", sagot ni mama.

"Ayaw mo po bang lumapit kay papa?", tanong ko.

Hindi siya sumagot at sa halip ay hinimas lamang ang buhok ko at hinalikan ako ulit sa noo.

"Nagugutom na ba kayo ng kapatid mo? Anong gusto niyong kainin?", tanong sa akin ni mama.

"Hindi pa naman po ako gutom mama. Pero si Astrid po kasi humihingi ng ice cream. Kukuha po sana ako.", sabi ko kay mama.

"Oh, ganon ba? Sige kuha ka nalang sa refrigerator. Dito lang ako sa kusina.", sabi ni mama.

Bound By PapersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon