3 years ago...
"Astrid, anong gusto mong cake? Bibili kami ni Zach. Dadaan kami doon sa favorite bakeshop mo.", tanong ko sa kapatid ko.
Ngayon ay ang ikalabing isang kaarawan ng kapatid ko.
"Ate gusto ko iyong binili ni kuya Zach na natutunaw sa bibig. Yung dala mo noong nakaraan.", nakangiting sagot ni Astrid.
"Osige. Biyernes ngayon. Alam kong wala kang pasok. Alagaan mong mabuti si mama at papasok muna ako sa eskwelahan. Okay?"
Tumango naman ang kapatid ko.
Kinuha ko na ang bag ko at umalis na ako ng bahay. Si mama ay natutulog pa naman kaya hindi ko nalang ito dinistorbo at ginising.
Naglakad na ako palabas ng subdivision at naghanap ng masasakyan.
Magkikita kami ni Zach ngayon sa labas ng gate ng paaralan.
Pagkadating ko sa may sakayan ay agad na akong sumakay.
Habang binabaybay ang daanan papuntang university, hindi ko ulit napigilang mapaisip.
What if buhay pa si papa ngayon? Would we still be happy?
Si mama kasi ngayon, hindi na gaanong aktibo sa mga iilang bagay. Ang kompanya ni papa na naiwan kay mama ay nasa pamamahala ng abogado ni papa dahil hindi nakaya ni mama na i-manage ito.
Nagttrabaho pa din naman si mama pero hinahayaan ko lang ito upang malibang siya. Mahirap na kasi. Kahit alam kong ilang taon na noong mawala si papa, hindi pa din naman maiiwasang malungkot nong tao.
"Wellington University, baba na.", sabi ng konduktor.
Inabot ko ang bayad ko at bumaba na.
Andito na ako sa school ko. Inilibot ko ang paningin ko sa mga nakakalat na estudyante.
Tiningnan ko ang relos ko at mag aalas nuwebe na pala ng umaga. Alas nuwebe kinse ang una kong subject na pupuntahan.
Asan na kaya si Zach?
"Hi beautiful.", saad ng taong nasa likod ko.
Humarap ako sakanya at nakita kong si Zach ito. Niyakap ko siya kaagad at hinalikan sa pisngi.
"Good morning, baby.", bati niya sa akin at hinalikan ako sa noo.
Ngumiti ako nang maramdaman kong niyakap niya din ako pabalik.
"Wow naman. Hindi pa nga nagsisimula yung araw nilalanggam na agad ako.", sabi ng isang tinig sa likod ko.
Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Zach at humarap sa nagsalita.
Si Nikko at Sebastian pala. Wala ata si Kevin? Hmm. Mga kaibigan sila ni Zach simula noong elementary pa. Kilala ko din ang mga ito dahil ipinakilala sa akin ni Zach ang mga ito.
"You lovebirds should be careful. Narinig kong mainit daw ang ulo ni Mrs. Rivera sa mga estudyante magkakarelasyon eh.", natatawang sabi ni Sebastian.
Oo. Tama kayo ng pagkakarinig. Isang taon ng mahigit simula nang sagutin ko si Zach sa panliligaw niya.
I was 14 and he was 16 when we had our relationship.

BINABASA MO ANG
Bound By Papers
Romantizm"Let's have an agreement.", sabi ng lalaking kaharap ni Camille. Nagulat ang babae sa sinabi nito at hindi niya mapigilang mamangha at magdalawang-isip. Mamangha dahil may inaalok ang isang gwapong lalaki sakanya. Pagdadalawang-isip dahil baka nilo...