3 years ago...
"Good morning ate.", bati ko kay ate Sasha.
"Good morning Camille.", bati niya pabalik.
"Andyan po ba si Zach?", tanong ko.
"Oo. Pasok ka na sa loob. May gagawin kayo?"
"Wala naman po ate. Makikigamit lang po ako ng computer.", sagot ko.
"Oh sige. Pasok ka. Nasa library yun for sure. Puntahan mo nalang okay?"
Tumango naman ako.
Pagkapasok ko ng bahay ay napansin kong tahimik ito. Wala ang auntie at uncle ni Zach. Malinis ang bahay, halatang bagong linis talaga ito.
Hindi ko nakita sa sala at kusina si Zach kaya dumiretso na agad ako sa library.
Tama nga si ate Sasha. Andito nga si Zach. Naabutan ko si Zach na nakaupo at nakatitig sa mga librong nakapatong sa ibabaw ng mesa.
Humilig muna ako sa pintuan sandali. Tinitingnan ko ang bawat ekspresyon niya at inaabangan ko din kung mapapansin niya ang presensya ko.
"Where is she? Akala ko ba 10?", dinig kong bulong niya.
Tumayo siya at humarap sa pinto pero nagulat siya nang makita niya ako.
Pero yung gulat sa mukha niya ay mabilis na napalitan ng ngiti. I smiled at him and I waved my hand.
"Andito ka na pala. Bakit ayaw mong pumasok?", tanong niya habang papalapit sa akin.
"Wala. I just wanted to watch you do nothing.", sagot ko at natawa.
"You're crazy.", hindi makapaniwalang sabi ni Zach.
"I know. That's why you love me, diba?", I said in a bragging tone.
He chuckled and kissed me on the forehead.
"Tara na sa loob. Nabuksan ko na yung computer.", sabi niya.
He held my hand at sabay na kaming pumasok sa loob.
Pinaupo niya ako sa harap ng computer samantalang nakatayo lang siya sa likod ko.
Dinukot ko mula sa bulsa ng shorts ko ang papel na kagabi pang nagpapagulo sa isipan ko.
"What's that?", tanong ni Zach.
Napatingin ako sakanya at nakitang naniningkit ang kanyang paningin.
"Reseta ng mga gamot.", sagot ko.
"Reseta ng mga gamot? Why do you have that? Are you not feeling well?", sunod-sunod niyang tanong.
"This is not mine Zach.", pagsisimula ko.
"Kahapon, doon ako nagbihis sa kwarto ni mama. Andon kasi ang karamihan sa mga damit ko dahil hindi pa natutupi. After ko magbihis, I saw a pile of paper...", dagdag ko.
"Doon mo yan nahanap?", tanong niya pa.
I nodded as a sign of response.
BINABASA MO ANG
Bound By Papers
Romance"Let's have an agreement.", sabi ng lalaking kaharap ni Camille. Nagulat ang babae sa sinabi nito at hindi niya mapigilang mamangha at magdalawang-isip. Mamangha dahil may inaalok ang isang gwapong lalaki sakanya. Pagdadalawang-isip dahil baka nilo...