3 years ago...
"Astrid, kumain ka na. Sabayan mo na ang kapatid mo Camille.", sabi ni mama sa akin.
Pilit akong ngumiti at lumapit kay Astrid.
"Tara na Astrid kain na tayo.", pag-aaya ko sa kapatid ko.
Nakita ko si Zach na nakasalampak sa sala at nakapikit ang mata.
"Mauna ka na sa kusina. Gisingin ko lang ang kuya mo, okay?", sabi ko.
Tumango lang ang aking kapatid at agad siyang pumunta sa kusina. Medyo bumait naman din ang kapatid ko kaya hindi na ako masyadong nahihirapan.
"Zach.", tawag ko sa pangalan ng aking kasintahan.
"Zach.", pag-uulit ko.
Dahan-dahang bumukas ang kaniyang mga matang kulay tsokolate.
"Huwag ka na matulog. Masama yan. Kakain na tayo. Tumayo ka na diyan.", sabi ko sakanya.
Agad naman siyang umayos ng upo at paulit-ulit na kumurap. Napatawa nalang ako sa ginawa nito.
"Halika na. Excited na si Astrid na kumain ng cake.", sabi ko.
Tumayo naman agad ito at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming pumunta sa kusina.
Naabutan naming nakaupo na sa hapagkainan si mama at Astrid. Masayang nagkukuwentuhan ang dalawa.
Nakangiti lang si mama nang makita niyang kaming pumasok ni Zach.
"Maghugas na kayo ng kamay para makakain na tayo.", nakangiting sabi ni mama.
Bumitaw ako sa pagkakahawak ko kay Zach at agad na naghugas ng kamay. Ganon din ang ginawa ni Zach.
Magkatabi kaming naupo ni Zach.
Kami ay nagdasal muna at pagkatapos ay kinantahan na si Astrid ng birthday song.
Inilabas ni mama galing sa ref ang isang box na may pulang ribbon.
"Yehey! Ate salamat po sa cake ah?", abot mata yung ngiti ni Astrid nong sinabi niya sa akin yun.
"Happy 11th birthday Astrid. Wish ni mama for you, lumaki kang isang mabait at matalinong babae. I want you to be brave anak. No matter how many struggles life give you, huwag na huwag mong iisiping sumuko. Okay?", nakangiting sabi ni mama kay Astrid.
Napatungo nalang ako. Hindi ko maintindihan si mama. Para siyang may ipinapahiwatig sa mga sinasabi niya.
"Salamat mama. Pangako ko po sa inyo ni ate na magiging malakas ako para sa inyo.", sabi ni Astrid.
Itinaas ko ulit ang paningin ko at iniikot iyon kay mama, Astrid at Zach.
Napasulyap naman si Zach sa akin at nginitian niya ako.
I forced a smile. I can't be happy. Kahit subukan ko, hindi ko magawang maging masaya.
Birthday ni Astrid ngayon. Oo alam ko yun. Pero nang makita ko yung reseta at laboratory requests kanina, hindi na natanggal sa isip ko ang tungkol doon.

BINABASA MO ANG
Bound By Papers
Romance"Let's have an agreement.", sabi ng lalaking kaharap ni Camille. Nagulat ang babae sa sinabi nito at hindi niya mapigilang mamangha at magdalawang-isip. Mamangha dahil may inaalok ang isang gwapong lalaki sakanya. Pagdadalawang-isip dahil baka nilo...