Chapter 11

20.8K 344 0
                                        

"Astrid naman. Bakit kasi di mo inaalagaan sarili mo?", naiiyak kong tanong.

Kagagaling lang namin sa ospital kanina. Binasa sa amin ng doktor ang resulta ng laboratory tests niya.

Nakakapanghina lang marinig na yung kinatatakutan ko ay nangyari.

Dilated cardiomyopathy. Kapareho sa sakit ni mama noon.

Ang mahal ng gamutan ni Astrid.
Hindi na kakayanin ng sweldo ko para matustusan lahat ng pangangailangan namin.

"Ate sorry po. Hindi ko naman to ginusto.", sabi niya.

Nagagalit na naman ako sa sarili ko.
Kasalanan ko na naman to. Kasi kung hindi ko pinapabayaan si Astrid, hindi mangyayari sakanya ang mga to.

I just don't know what I'll be doing from now on. Ang hirap na. My job won't pay for everything.

Her medicines are too expensive.

Sabi ng doktor sa amin kanina, hindi pa naman daw malala. Astrid can take some medicines para hindi mag worsen ang condition niya.

Sabi din ng doktor na bawal na siyang magpuyat at magstress to prevent more complications. Nong nalaman din ng doktor na ganyan din ang nangyari kay mama, nalaman ko nalang na pwede palang makuha yung sakit through inheritance.

Wala na kong ibang nagawa kundi ang bumuntong hininga. Pinikit ko nalang ang mata ko.

Maya-maya lang ay narinig ko ang cellphone ko na tumutunog.

"Ate..", tawag sa akin ni Astrid.

"Akin na.", sabi ko at agad niya namang iniabot sa akin ang cellphone.

Tiningnan ko ang caller ID at nakita kong ang manager ko ito sa trabaho.

"Hello ma'am."

[Camille, pwede ka bang pumunta dito sa office? May importanteng pag-uusapan lang.]

"Sige po ma'am. Papunta na po ako.", sagot ko.

Narinig ko nalang na ibinaba ang linya.

Ano na naman kaya ang problema at bakit ako yung ipinapatawag.

"Dito ka lang Astrid. Baka walang night shift ngayon kaya ako ipinatawag. Magluto ka nalang muna ng ulam, may kanin pa namang natira kaninang umaga. Yun nalang muna ang kainin mo.", bilin ko kay Astrid.

"Sige po ate.", sagot niya.

"Siya, mauna na muna ako.", kinuha ko ang bag at cellphone ko at agad ng umalis.

Naglakad lang ako tutal walking distance lang naman ang layo ng convenience store.
Oo, sa convenience store ako nagttrabaho.

Janitress lang ako noon pero dahil sa tagal ng panahon, naging kahera din ako. Siguro kasi nagtitiwala na din sa akin yung may-ari.

Ilang lakad pa ay nakadating na ko sa convenience store. Pumasok na ko at agad na pumunta sa locker room.

Nakakapagtaka lang kasi nakita ko yung katrabaho kong night shift na andidito.

Bound By PapersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon