Chapter 3

28.2K 443 1
                                        

11 years ago...

"Ate Sasha, nakita mo po ba si ate Camille?", rinig kong tanong ni Astrid kay ate Sasha.

"Andon lang yun kanina sa kusina eh. Baka nasa taas natulog na Astrid.", sagot ni ate Sasha.

Wala akong gana magpakita kay Astrid ngayon. Nawalan ako ng gana kanina nang umalis na naman si mama.

"Pwede na din po ba akong matulog? Inaantok na po kasi ako ate Sasha.", rinig ko ulit na sabi ni Astrid.

"Oh sige ba. Tara, hatid kita sa kwarto niyo ng ate mo.", sabi naman ni ate Sasha.

Narinig ko nalang ang mga yapak nilang dalawa na papalayo dito sa kinalalagyan ko.

Simula kanina kasi sa paglipat ko dito sa pwesto ay hindi pa ako lumalabas. Siguro hindi din nila ate Sasha at Astrid napansin na dito ako nagsumiksik kanina.

"You're over here pala."

Muntik na ako malaglag sa kinauupuan ko nang may sumalo sa akin na mga braso. Napahawak naman ako nang mahigpit.

"Careful.", sabi pa ng tinig.

Itinaas ko ang paningin ko at nakita kong si Zach pala ito. Agad akong bumitaw sa pagkakahawak at itinulak siya.

"Sorry. I did not mean to startle you.", sabi niya na humihingi ng pasensya.

"O-okay lang. P-paano mo ko nahanap dito?", nauutal kong tanong.

"I saw you came here before your mom could leave. Hinahanap ka na ng kapatid mo. Why are you even hiding?"

"Wala ka ng pakialam doon. Diba I left you alone kanina? Can you return the favor naman?", mataray kong tanong.

Narinig kong napabuntong hininga si Zach.

"Sorry if nasungitan kita kanina. Nawala lang kasi ako sa focus sa pag-aaral ko.", pag-eexplain niya.

"By the way, I'm Simon Zach, pero you can call me Zach. It's nice meeting you Camille.", dagdag niya, pero ngayon naman, may tipid na ngiting nakaplaster sa mukha niya.

Napatingin naman ako sakanya.

"Layuan mo ko.", yun lang ang mga salitang lumabas sa isip ko.

"I don't have plans on leaving you alone.", sabi niya sa akin.

Nakita kong may kinuha siya sa gilid niya at ito pala ay iilang mga papel, libro at ballpen.

Inilapag niya iyon sa tabi ko.

"Saglit lang. I'll go get something.", sabi niya pa ulit.

Nakita ko nalang siya na naglalakad papuntang kusina. Pinagmasdan ko ang mga kagamitang inilapag niya sa tabi ko.

Math books, Science, Arts. Yung papel niya may mga equations na hindi ko magets. At panget ang kanyang sulat kamay.

Binuklat ko ang isang libro at nabasa ko doon ang full name niya.

Simon Zach Garcia.

What a nice name it is.

"Here are the cookies.", narinig ko kaya agad kong isinara ang libro.

Iniusog niya ang mga libro niya pababa at pinahawakan sa akin ang plato ng cookies.

Umakyat siya dito sa kinauupuan ko at umupo sa tabi ko.

Inilapag niya sa harap namin ang dala niya pang gatas at dalawang baso. Kinuha niya sa akin ang plato ng cookies at inilapag niya din ito doon kasama ng gatas.

"Bakit andito ka?", tanong ko sakanya.

"I just wanted to provide you company.", sagot niya.

"Ate Sasha told me what happened. And I know where you're coming from. So I'm here. If you're sad, then I will be with you until you become happy again.", dagdag niya pa.

"Parang kanina lang sinusungitan mo pa ako. Why are you being nice?", tanong ko ulit.

"Sorry nga kung nasungitan kita. I did not mean to. Okay?", sabi niya sa akin.

"I'm sorry if we started on the wrong foot but let's try again, mkay?", he added.

Tumango naman ako nang dahan-dahan.

Kinuha niya ang papel at libro niya na itinabi niya doon sa baba.

"Kumain ka.  Those are new batches ate Sasha made. Favorite ko yan.", nakangiting kwento niya.

"How old are you na pala Camille?", tanong niya sa akin habang binubuklat na ang kanyang libro.

"Eight years old.", sagot ko.

"Ikaw?", tanong ko naman.

"I'm ten.", sagot niya at tumingin sa akin nang nakangiti.

Tumango ako at kumuha na ulit ng cookie. Hindi ko na siya pinansin pa dahil mukhang busy naman ito sa ginagawa niya. Siguro ayaw niya lang ako na mapag-isa dito.

"Anong gusto mo paglaki mo?", tanong niya habang nagsusulat.

"Gusto ko?", tanong ko.

"Yes. Gustong mangyari.", sabi niya.

"Gusto ko maging maayos buhay namin ni mama at ni Astrid.", sagot ko.

"That's nice. Well? I wish you luck.", sabi niya pa.

"Hindi ka pa ba inaantok?", tanong ko.

"Hindi pa. I usually go to sleep around ten in the evening.", sagot niya.

"Buti hindi ka pinapagalitan ng mama mo.", sabi ko.

"Si mama tsaka papa kasi pinapagalitan kami ni Astrid kapag hindi kami natutulog ng alas nuwebe.", dagdag ko pa.

Napansin ko namang napatahimik ito kaya nilingon ko ito. Nakatulala lang siya sa labas ng bintana.

"May nasabi ba akong mali?", tanong ko.

Nilingon niya ako at ngumiti na ulit.

"The truth is, I'm not with my parents. Si Auntie and Uncle nag-aalaga sa akin. My mom and dad are seperated. My mom does not want me anymore while my dad has another family to attend to.", sabi niya na may mapait na ngiti sa mukha.

"Sorry. Dapat hindi nalang ako nagtanong.", sabi ko.

"No, don't be sorry. I'm fine with it. Nasanay na din ako.", sabi niya sa akin.

"Maiba naman tayo, anong nararamdaman mo ngayon?", tanong niya ulit.

Tiningnan ko ulit siya sa mata at pilit na ngumiti.

"Hindi ako okay.", sagot ko.

"Dahil ba sa nangyari sa papa mo?", tanong niya pa.

Tumango ako.

"Hindi lang din naman yun dahil doon eh. Naawa na ako kay mama. Mahal na mahal niya si papa kaya hindi ko alam kung paano si mama ulit mag-aadjust sa buhay.", sagot ko.

"Si papa yung parang naging sandalan namin kapag may mga pagkakataong dumadating na sobrang nahihirapan na kami. Pero ngayon, wala na si papa eh.", dagdag ko.

Tumahimik na din ako pagkatapos. Baka kasi umiyak lang ako sa harapan ni Zach kapag sinabi ko na ang lahat sakanya.

"Don't worry, I'll be here for you. Starting from now on, friends na tayo ah?", sabi niya at ngumiti ulit sa akin.

Nginitian ko din siya at pinapatuloy na ang pagkain ng cookie.

Bound By PapersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon