Chapter 7

23.5K 418 1
                                        

3 years ago...

"Camille, sa library tayo ah. Monday na submission nito.", sabi ni Catherine, one of my classmates.

"Cath, pwede pass muna? Birthday kasi ng kapatid ko. May bibilhin pa ako.", sabi ko.

"So paano grades mo? I'll just pull you out of the group nalang ba kung ganon? I don't want some non-cooperative members.", mataray niyang sabi.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Okay. Sige. I'll just text my sister and my boyfriend. Pero pwede hanggang seven lang?", tanong ko.

"Whatever.", sabi niya at inirapan ako.

Inayos ko naman ang mga damit ko sa bag at kinuha ko ang cellphone ko.

I texted Zach first.

To: Zach
Zach, somethimg urgent came up. I'll just buy the cake on my way home later. Huwag mo na akong hintayin.

And then I texted mama.

To: Mama
Ma, kain na po kayo. Pasabi nalang po kay Astrid na malelate ako ng uwi ngayong gabi. May tatapusin lang po akong group project. I love you ma.

"Camille, tara na. Nagsusungit na si Catherine.", sabi ni Alex.

Alex is my one and only friend dito sa batch namin.

Tumango naman ako tumayo na sa pagkakaupo.

Hawak ko pa din ang cellphone ko at hinihintay ang reply ni mama o ni Zach.

"Oh siya. Gawin niyo na yung parts niyo. Ako na bahala sa pagpresent.", sabi ni Catherine.

"Ang daya naman non. Tayo mahihirap yung ginagawa tapos yung sakanya ang dali lang.", rinig kong bulong ng isa kong kaklase.

"Ano yun? Akala mo di kita narinig? Kung may reklamo ka, umalis ka sa grupo namin. Hindi ko kailangan ng reklamador.", pagalit na sabi ni Catherine.

Isinawalang bahala ko nalang ang usapan ng dalawa at mas pinili kong atupagin nalang ang gagawin.

Sa ganong paraan, mas mapapadali ang trabaho ko at mas mabilis kong matatapos.
E di makakauwi ako nang mas maaga.

Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras, napansin ko nalang na nakatulog yung iba kong kaklase.

Tiningnan ko ang relos ko at mag-aalas syete na pala.

"Cath, tapos ko na yung part ko.", sabi ko.

Tinaasan niya lamang ako ng kilay

"Eto na.", sabi ko sabay abot ng iilang papel.

"Pwede na ba akong umalis?", tanong ko.

Tinitingnan niya pa ang mga papel na iniabot ko.

"Sige. Pwede ka na umalis.", sabi niya

Ngumiti ako at agad na bumalik sa kinauupuan ko. Kinuha ko ang bag ko at ang cellphone ko.

Nag sign out ako sa library at agad na pumunta sa bakeshop para bumili ng cake.

Bound By PapersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon