"Alas otso ka pumunta para hindi ka malate, okay?", sabi ni Charlie.
Tumango naman ako at ngumiti.
"Thank you. You're a life saver.", I said.
"Bruha ka, anything for you. Lalo na kay Astrid. Siya, sige na. Umuwi ka na at anong oras na. Baka hinihintay ka na ng kapatid mo.", sabi ni Charlie.
Kinuha ko ang bag ko at inabutan niya ako ng dalawang libo.
"Para saan yan?", tanong ko.
"Budget mo. Alam kong wala ka ng pera.", sabi niya at binalik na ulit ang atensyon sa laptop niya.
"Salamat Charlie!", sigaw ko at tumakbo na papalabas ng bar.
Pagkalabas ko ng exit ay may humablot sa kamay ko.
Pagkaharap ko sa kung sino mang may hawak ng kamay ko ay nakita ko ulit ang pamilyar na mga mata ng lalaki kanina.
"I want to know your name.", nakangiti niyang sabi.
"I'm sorry but I don't work here. I'm not selling my body. Now, if you could please let me go, I need to go home.", sabi ko sa seryosong tono.
"I just wanted to know your name. Who said anything about selling your body?", nakangisi niyang tanong.
"Camille. My name is Camille. Now, can you let go of me?"
"Nice to meet you Camille. I'm Liam.", sabi niya.
He just smiled at I felt his grip on me loosen. I took the opportunity to leave.
Medyo nakakainis pala siya.
Sumakay na ako ng taxi at umuwi ng bahay.
***
"Astrid, pupunta muna ako sa job interview ko ah. Ginawa ko na yung baon mo, nasa lunch box mo na. Andon na din ang gamot mo. Huwag kang magsskip ng lunch at huwag mong kalimutang inumin yung gamot mo ah?", sabi ko sakanya.
Tumango naman siya at hinalikan ako sa pisnge.
"Sige, I need to go. Mag-ingat ka.", tugon ko pa at agad na kinuha ang bag ko at umalis na.
Sana matanggap ako dito sa job interview na ito. Hays. Ito nalang ang pag-asa ko. Kaso bigla nalang tumigil ang taxi.
"Ma'am, naflat po yung gulong ng sasakyan ko. Hindi ko po dala mga tools ko eh.", sabi ng driver.
Tiningnan ko ang meter at nakita kong malaki na ang babayaran ko. Bumaba ako ng sasakyan at tiningnan ang paligid.
Sa tingin ko naman ay malapit na dito ang building na pinapapuntahan sa akin ni Charlie.
"Eto po manong. Tatakbuhin ko nalang po ang pupuntahan ko.", sabi ko kasabay ang pag-abot ng bayad.
"Salamat iha, pasensya ka na din.", huli kong narinig mula sa kanya.
Buti nalang at hindi mahirap tumakbo dahil naka flat sandals ako.
Isang ikot pa ay nakita ko na ang building na tinutukoy ni Charlie. Pumasok ako at dumiretso muna sa banyo ng unang palapag.

BINABASA MO ANG
Bound By Papers
Romance"Let's have an agreement.", sabi ng lalaking kaharap ni Camille. Nagulat ang babae sa sinabi nito at hindi niya mapigilang mamangha at magdalawang-isip. Mamangha dahil may inaalok ang isang gwapong lalaki sakanya. Pagdadalawang-isip dahil baka nilo...