Kabanata 1

2 0 0
                                    

Shodfuryl's Pov

"Ok class, what are the seven larges plates?" Tanong ng aming guro, agad akong nagtaas ng kamay.

"Anyone?" Umaasang tanong nito, nang walang nagtaas ng kamay ay napabuntong hininga sya saka napipilitang tawagin ako.

"Sa klaseng ito, puro na lang si Shod ng si Shod ang sumasagot! Wala man lang akong makausap na maayos! Hindi ba kayo nagbabasa ng libro sa bahay nyo?! Pumapasok nga kayo pero wala naman kayong naisasagot sakin! Wag na wag kayong magrereklamo kapag nakatanggap kayo ng blangko! Osige Shod, ano ang seven larges plates?" Akala ko ay uubusin nya pa ang oras sa pagsesermon. Muli akong tumayo.

"The seven larges plates are, Pacific plate, Australian plate, Eurasian plate, Antarctic plate, South american plate, North american plate, and Arabian plate." Sagot ko saka umupo.

"Very good, Mr. Shod. Sa klaseng ito ikaw lamang ang maaasahan. Mahusay." Puri ng aming Prof sakin, nakangiting tumango ako sa kanya.

Maya maya lamang ay natapos na ang aming klase. Agad akong pumunta sa Canteen para bumili ng pagkain. Umorder lang ako saka dinala sa table ang pagkain ko.

Kakagat na sana ako sa burger ko pero may tatlong babae ang nasa harapan ko, naibaba ko ang pagkain ko saka tiningnan sila.

"H-hi Shod, ako nga pala si C-cherry." Pakilala sakin ng babaeng nasa harapan ko, nakatungo ito pero kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Napangiti ako, ang cute nya.

"Hello, I'm Shod. It's nice to meet you, Cherry." Nakangiting pakilala ko na tumayo pa, agad nyang iniangat ang tingin sakin, sobrang namumula na ang mukha nya.

"Ohmygooood! Ohmygod! Pinansin ako ni Shod! Pinansin ako ni Shod!" Nagulat ako sa inasta nyang iyon! Dali dali akong tumayo saka umalis ng Canteen!

Narinig ko pa ang sigaw nila na tinatawag ang pangalan ko pero di na ako lumingon. Woooh! Kaya minsan natatakot akong pansinin ang mga babae dito eh, one time kase may pinansin akong babae at nagulat na lang ako na bigla syang umirit ng umirit saka sinabunutan ang babaeng katabi nya, ganon ata talaga ang mga babae kapag kinikilig, bigla bigla na lang nananakit.

Tumigil ako sa pagtakbo, hindi ko namalayang nakarating pala ako sa Gym. Pumasok ako para makita kung anong ginagawa nila.

Agad na hinanap ng mata ko si Liette, nakita ko syang nakaupo sa bleachers at nakikipagtawanan sa mga kaibigan. Napangiti ako. Ang ganda ganda nya talaga.

Si Liette ang tipo ng babae na kapag nakita mo, babalikan mo ng tingin. Sya yung tipo ng babae na kapag nakita mong tumatawa, mapapatulala ka. Sya din yung tipo ng babae, na hindi ako ang tipo.

Paano ko nasabing hindi ang tulad ko ang tipo nya? Dahil gusto nya sa mga badboy, ewan ko ba, mas gusto talaga ng mga babae ang badboy kahit sasaktan lang naman sila ng mga ito.

Love Me Again HydromyxaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon