Shodfuryl's Pov
Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili sa bakanteng room na yon, basta ang alam ko labasan na nung umalis ako. Sobrang hiya ang naramdaman ko.
"Sya yung lalaki kanina diba? Yung pinahiya ni Liette? Gwapo naman ah?" dinig kong bulungan ng mga kababaihan.
"Oo nga, ewan ko ba kay Liette. Shod ang pangalan nya, balita ko sya daw ang magiging valedictorian natin at alam mo bang gusto nya din magpari? Wow! Sobrang nakakaamaze yung lalaking ganon!"
"Wow! Ganon sya katalino? Pero bakit sya nagkakagusto kay Liette kung magpapari sya? Hayy. Feeling ko crush ko na sya. Kyaaaa~!"
"Ano ka ba! Kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sundin ito sabi nga sa kanta! "
Hindi ko na sila pinansin pa. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa.
Nakatungo lang akong naglalakad nang may umakbay sakin. Tiningnan ko kung sino ito, si Ven pala.
"Oh, ito yung notebook mo. Pinasa ko na yan kanina kaya magpasalamat ka. Hahahaha. Alam mo bang bulong-bulungan dito na pinahiya ka daw ni Liette. Tsk tsk tsk." Sabi nito. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"Sinong nagpakalat?!" Galit na tanong ko. Naitaas naman nya ang kamay nya bilang pagsuko.
"H-hoy! Hindi ako ah! Pero narinig ko kanina, kung sino ang nagbigay kay Liette nung diary mo. Hahahaha. Ang baduy mo, Brad! Kadiri ka!" biro nya. Naikunot ko ang noo ko. Sino naman kayang shunga ang nagbigay kay Liette?
"Sino yung nagbigay kay Liette nung diary ko?!" Kunot noong tanong ko. Nagsisimula nang kumulo ang dugo ko. Masama talaga akong magalit! Patawarin sana ako ng diyos sa nararamdaman ko.
"Si Charm, yung kaklase nila na kaibigan din ni Liette---Hoy! Saan ka pupunta?!" Hindi ko na sya pinatapos, dali dali akong tumakbo paakyat sa 6th floor.
Hinarang ko agad ang isang babae, takot itong tumingin sakin dahil sa paghila ko sa kanya.
"Asan si Charm?" Tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
Love Me Again Hydromyxa
RomanceSi Shodfuryl Luis Federigo ay isang mabait, mayaman at higit sa lahat ay matalino na wala pang nakahihigit dito. Maraming nagsasabing gwapo ito ngunit maraming nanghinayang ng malaman nilang gusto nito na magpari sya. Ganunpaman, meron syang nagugus...