Kabanata 7

1 0 0
                                    

Shodfuryl's Pov

Dahil sa Celebration namin kagabi, tinanghali akong magising. Hindi din naman ako nagising nina Mom dahil napuyat din sila. Hindi ako nagmadaling kumilos sa pagpasok, kahit naman magmadali ako malelate parin ako.

"Goodmorning anak! Hindi ka ba sasabay samin mag-almusal?" Tanong ni Mom, hinalikan ko sya sa pisnge pati na din si Dad.

"Sorry, Mom, late na po kase ako sa First class kaya hindi na ako kakain ng almusal, besides may canteen naman don, dun na lang po siguro ako kakain." Sabi ko. Tumango naman si Mom and Dad kaya tumalikod na ako. Nagbabye pa sila sakin. Pinaharurot ko na ang kotse ko.

Pagkadating ko sa school, natanawan ko si Charm na naglalakad kaya nagmadali akong bumaba pero nagulat ako ng may lumapit sa kanyang lalaki. Sino yon?

Mas lalo akong nagulat ng magyakap silang dalawa. Boyfriend nya ba yon?

Kita kong nag-uusap silang dalawa, tumango tango naman si Charm. Hindi ko madinig ang pinag-uusapan nila.

Ilang minuto din silang nag-usap bago umalis ang lalaki, hinalikan nya pa si Charm sa noo. Sino ba yun?Hindi ko nakita yung mukha nung lalaki dahil nakatalikod ito sakin. Nang makaalis na ang lalaki ay naglakad na si Charm papunta sa room namin.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis pero pinigilan ko yon.

Pagkadating ko sa room namin ay andon na sya, napansin kong wala ang Prof, umalis daw ito saglit dahil may kukuhanin. Hindi ko naman pinansin si Charm, may boyfriend na pala sya tapos hindi nya sinabi sakin. Hindi man lang sya nagkuwento sa buhay nya. Nakakapagtampo naman, bestfriend ko pa man din sya.

Nakita ko na nagtaka ang mukha nya dahil palagi ko naman syang binabati pagkakapasok ko, ngayon lang hindi.

Natapos ang klase sa buong araw, hindi ko parin pinapansin si Charm, hindi ako sumabay sa kanya kaninang lunch. Siguro kanina nya pa akong sinisigawan sa isip nya dahil bigla bigla akong hindi namamansin, napangiti tuloy ako dahil naalala ko ang mukha nyang kunot ang noo.

Inayos ko na ang bag ko, minadali ko ang pag-aayos para hindi ako maabutan ni Charm. Alam kong hamit na hamit na syang kausapin ako.

"Shod!" dinig kong tawag nya pero di ko sya nilingon.

"Shod! Shod! Ano ba---Aray! Shooood!" Tawag nya pa. Bala sya sa buhay nya.

"Shod! Pag hindi ka huminto, ipagkakalat ko ang sikreto moooooo!!!!" Literal akong napatigil. Nalaman nya kase na takot ako sa ipis at yon ang sikreto ko. Nanatili akong nakatalikod sa kanya, maya maya pa'y naramdaman ko na sya sa papalapit na sakin.

"Ano bang problema mo?! May dalaw ka ba ngayon?!" Galit na tanong nya. Napakunot noo akong tumingin sa kanya. Hindi ko sya pinansin.

"Ano ba Shod?! Bakit ba ayaw mo akong kausapin?! May problema ba?! May nagawa ba akong masama?" Tanong nya pa. Hindi ko parin sya sinagot. Naglakad na ulit ako pero sinundan nya ako.

"Hoy Shod! Naiinis na ako sa kaartehan mo ha!" Kunot noong sabi nya sakin na pinahinto pa ako sa paglalakad.

"Tabi dyan." Walang emosyong sabi ko sa kanya, nakaharang kase sya sa daan. Pinilit ko ipamukhang nagagalit ako kahit hindi naman talaga.

Love Me Again HydromyxaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon