Kabanata 17

1 0 0
                                    

Shod's Pov

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko, iginala ko ang paningin ko at puro puti ang nakikita ko. Hindi ko maikilos ang katawan ko sinubukan kong gumalaw pero hindi talaga ako makakilos! Anong nangyayari sakin?!

"Anak! Thanks god your awake! You don't know how worried I am! 'Wag ka munang kumilos." Nangingilid ang luhang sabi sakin ni Mommy. Iginala ko ulit ang paningin ko at umaasang baka katabi ko si Charm pero nabigo ako.

"Where's Charm?" Tanong ko kay Mommy na pilit kinikilos ang katawan ko. Masasakit ang mga buto ko na sobrang sakit ikilos. Inalalayan nya naman akong maupo ng nakahiga, nilagyan nya din ng unan ang likod ko.

"Mom?" Tawag ko sa kanya kasi bigla syang umiwas at tumalikod sakin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mabilis nyang pagpahid ng luha.

"Where is Charm, Mom? Is she okay now?" Umaasang tanong ko. Napayuko si Mommy at lalong umiyak. Kung ano anong pumasok sa isip ko pero inalis ko 'yon. Ayokong mag-isip ng masama. Alam kong okay na okay na si Charm at gaya ko ay nagpapahinga lang.

"I'm sorry, Son." Umiiyak na usal nya na niyakap ako. Inalis ko ang pagkakayakap nya at naguguluhan syang tiningnan.

"Mom? Where is Charm?" Pinigilan kong 'wag pumiyok dahil sa pangingilid ng luha ko. Nakailang buntong hininga ang pinakawalan nya para kumalma saka tiningnan ako sa mata. Kinabahan ako ng sobra sa ginagawa at pinapakita niya.

"She's d-dead." Para akong narindi sa narinig ko. Paulit ulit 'yong nagpaulit ulit sa tenga ko pero hindi matanggap ng utak ko. Peke akong tumawa.

"Mom, you're joking right? Charm is in the next room! She's okay now, I know. She tell me that she will never leave me, Mom." Nangingilid ang luhang sabi ko na pilit kinukumbinsing andito si Charm. Nagkakamali lang sya.

Paulit ulit na umiling si Mommy na hinawakan ako sa braso.

"C-charm is d-dead." Ulit nya. Umiiyak akong umiling.

"No," mariin kong sinabi. "Nagkakamali ka Mom! Buhay pa sya! Buhay pa si Charm!" Sigaw ko pero niyakap lang ako ni Mommy. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Nagkakamali lang sila! Buhay pa si Charm! Alam kong buhay pa sya..

"M-mom, please tell me that Charm is ok, she's not dead." Sabi ko kay Mommy pero mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Sa ngayon, wala akong maramdaman kundi ang galit at sakit, sobra akong galit sa mga taong gumawa nito! Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko sya nailigtas. Nasasaktan ako, sobra akong nasasaktan na sa tingin ko walang makakaintindi sakin, dahil yung taong iniintindi ako....ay wala na sa tabi ko.

*****

"Anak, kainin mo naman 'to oh. Kanina ka pa hindi kumakain, paano ka nyan lalakas?" Nag-aalalang sambit ni Mommy. Totoong hindi pa ako kumakain kanina pa. Andito parin ako sa ospital at parang wala na akong balak umalis pa dito. Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng malaman kong wala na si Charm. Palagi akong umiiyak at ayoko ng may kasama dito, iyak lang ako ng iyak habang inaalala ang mga masasayang araw na kasama ko sya.

"Hindi ako nagugutom." Walang emosyong sabi ko at tumitig sa kawalan.

Padabog nyang inilapag ang pinggan na hawak nya. "Shod naman! Sana maisip mong meron paring nag-aalala sayo! Naiintindihan kita kung bakit ka nagkakaganyan! Pero intindihin mo naman na bilang ina mo, gusto kong maging ok ka!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw sakin ni Mommy. Umiiyak na sya ngayon at parang hirap na hirap dahil sakin.

Love Me Again HydromyxaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon