Acrimyxa Charm's Pov
Lumipas ang isang linggo at totoong naging magkaibigan na nga kami ni Shod. Sabay kaming kumakain, sabay kaming pumapasok, natural na gawain ng mga magkaibigan. Sobrang bait nyang kasama, palagi syang nakikisabay sa trip ko, hindi sya boring. Sa totoo nga lang, gumaan ang loob ko sa kanya. Ang buong akala ko kasi ay masamang tao si Shod, pero akala ko lang pala iyon. Tama nga ang sabi nila, 'wag mong huhusgahan ang isang tao lalo na kapag di mo pa sya kilala.
Nagliligpit ako ng gamit ko dahil labasan na. Kasabay ko si Shod, syempre.
"May gagawin ka ba ngayon?" Tanong nya. Tiningnan ko naman sya saka umiling.
"Wala naman. Bakit?" Tanong ko.
"Tara sa bahay?" Nanlaki agad ang mata ko sa sinabi nya.
"H-ha? A-ano namang g-gagawin n-natin don?" Nauutal na tanong ko na iniiwas pa ang paningin. Kunot noo naman nya akong tiningan, at ng magets nya ang lahat, tumawa sya ng tumawa.
"Wag ka ngang green, Charm! HAHAHAHAHA. Wala tayong gagawin sa bahay namin, kundi ang mag-aral! Hahaha." Natatawang sagot nya.
"Ikaw kase eh! Ayaw mong linawin! Kung anu-ano tuloy naiisip ko!" Mataray na sabi ko, pero tumawa lang sya tapos ay inakbayan ako.
"H-hoy, bawal to sa School! Alisin mo nga yang kamay mo, bigat bigat sakin pa ipapatong." Reklamo ko pero ngumiti lang sya. Hindi nya inalis ang braso nya sa balikat ko.
"Hindi naman tayo mukhang magjowa, para nga lang kitang kapatid eh." Nakangiting sabi nya. Natawa naman ako.
"Duh? Para kaya tayong magtatay. Hahahaha." Pang-aasar ko. Inalis naman nya ang braso nya sa balikat ko, tiningnan nya ako sa mata.
"Ah, ganon?" Sabi nya saka dahan dahang lumapit sakin..
"Sige, subukan mong lumapit! Sasapakin talaga kita Shod! Haha." Patuloy akong naatras. Nandito na kami sa field, puro damuhan dito at alam kong balak nya akong....kilitiin.
"Sige, subukan mong sapakin ako, kapag nasasaktan ang isang tao, mas lalong ginaganahan, Charm. Haha" Biro nya. Habang tumatawa sya ay humanap ako ng tyempo para makatakbo.
Naramdaman ko naman na hinabol nya ako kaya mas lalo ko pang binilisan! Kyaaaaa.
Bumagal ng bumagal ang takbo ko dahil na din sa pagod at sa sobrang bigat ng bag ko! Naabutan nya ako at kiniliti ako ng sobra.
"HAHAHAHAHA! ANO BA?HAHAHAHATAMANAHAHAHA. SHODHAHAHASASAPAKINHAHAHAHAKITAAHAHA." tawa ng tawang sabi ko! Sino ba namang hindi matatawa kapag kinikiliti diba?!
BINABASA MO ANG
Love Me Again Hydromyxa
RomanceSi Shodfuryl Luis Federigo ay isang mabait, mayaman at higit sa lahat ay matalino na wala pang nakahihigit dito. Maraming nagsasabing gwapo ito ngunit maraming nanghinayang ng malaman nilang gusto nito na magpari sya. Ganunpaman, meron syang nagugus...