Kabanata 11

0 0 0
                                    

Shod's Pov

Nanatili akong gulat na nakatingin sa kanya matapos magkwento. Parang sumakit ang ulo ko sa mga nalaman ko. Hindi ko alam na meron pala syang ganitong klase ng nakaraan.

"You mean, akala nila ikaw ang pumatay sa Mommy mo? Kaya tinatawag ka nilang utak kriminal?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ko alam kung anong akmang tanong ba ang dapat kong sabihin. Masyadong sensitive ang ganitong sitwasyon.

"Oo, pinagbibintangan nila ako sa kasalanang malabo kong magagawa. Sino ba namang anak ang magagawang patayin ang sariling magulang? Mga hindi nag-iisip." Sabi nya. Tama sya, sino nga namang anak ang makakagawa non? And for pete's sake! She's just a 10 years old!

"Finger print? Doon nila malalaman kung sino ang pumatay sa Mommy mo." Suggestion ko. Napatingin sya sakin saka umiling.

"Kinuha nila ang finger print ko, at nakakatawang nagmatch 'yon sa kutsilyo. Isa lang ang maaaring dahilan, nung sinaksak nya ang Mommy ko, agad nyang pinunasan 'yon para walang ebidensya. Napakahusay." Sabi nya pa. Bigla akong napaisip, wala na ba silang ebidensya na magpapatunay na hindi nya pinatay ang magulang nya?

"Bakit hindi mo pinagtanggol ang sarili mo? Bakit hinahayaan mong tawagin ka nilang utak kriminal?" Kunot noong tanong ko. Nangingilid ang luhang napailing sya.

"Para saan pa Shod? Nung time na 'yon, wala akong kakampi. Walang nagtatanggol sakin dahil wala si Daddy at pinatay pa si Mommy. Hindi ko alam kung paano pang ipagtatanggol ang sarili ko sa taong hindi marunong makaintindi, masyadong makikitid ang mga utak nila para maunawaan ako." Nakatingin sa malayong sabi nya. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. "Pakiramdam ko tuloy, merong tao ang sumasabutahe ng plano at nalalaman ko, pakiramdam ko merong tao ang inilalayo ako sa katotohanan." Dagdag nya pa.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko. Binalingan nya naman ako ng tingin.

"Noong araw na namatay ang Mommy ko. Ininterview ako ng dalawang pulis kung anong totoong nangyari pero di ko makuhang magsalita, masyado ata akong natakot sa nasaksihan ko. Ilang beses nila kong sinubukang tanungin pero wala silang makuhang sagot. Tiningnan nila ang bahay namin kung merong makukuhang ebidensya ngunit nakakapagtakang wala man lang ni isa silang nakuha. Pakiramdam ko dinidiin talaga nila ako. Dahil kung magnanakaw daw ang pumasok sa bahay namin, bakit hindi man lamang nasira ang pinto? O ang bintana? Saan sila dumaan? Napakatanga nila dahil hindi man lamang nila naisip na 'maaaring kilala ni Mommy ang taong iyon kaya nakapasok sya ng walang kahirap hirap." Sang-ayon ako sa sinabi nya. Maaring kilala nga nila ang taong iyon. Ngunit sino nga ba yon? Sino sya?

Love Me Again HydromyxaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon