Kabanata 12

0 0 0
                                    

Shod's Pov

"Ano ba yung sasabihin nya Charm at ayaw nya akong pasamahin sayo?" Mahinang tanong ko.

"Diba sinabi ko sayong kailangan kong malaman kung sinong nagpapatay kay Mommy? Nagtutulungan kami para masolusyonan 'yon." Sabi nya na nakatingin sa mata ko.

"Pwede akong tumulong, Charm." Nakangiting sabi ko. Napailing sya agad. Ayaw ba nya?

"Masyadong delikado 'yon. Ayokong madamay ka." Sabi nya. Natigilan ako sa paglakad kaya napatigil din sya. Nag-aalala ba sya sakin? Napangiti ako sa naisip kong 'yon. Nagsimula na lang ulit akong lumakad para di sya makahalatang nangingiti ako. Ramdam ko naman ang paglakad nya.

"Saan ba tayo mag-uusap, Josh? Bawal tayong lumabas dahil oras pa ng klase ngayon." Sabi ni Charm. Nailibot ko naman ang tingin ko at parang alam ko kung saan papunta 'to. Puro bakanteng room ang nandito, dito din ako pumunta noong ipinahiya ako ni Liette noon. Tss.

"Gusto ko lang makasigurong walang makakarinig ng pag-uusap natin." Seryosong sabi nito.

"Ano bang sasabihin mo, Josh?" Hindi na makapaghintay na tanong ni Charm. Kinakabahan ako sa kung anong sasabihin ni Josh.

"Your life is in danger, Charm." Nakatungong sabi ni Josh. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming tatlo. Tiningnan ko si Charm, walang mababakas na emosyon sa mukha nya. Hindi ba sya natatakot?

"How did you know?" Kaswal na tanong ni Charm na umayos pa ng pagkakatayo. Nanatiling nakatingin ako sa kanilang dalawa at nakikinig. Hindi ko alam kung may dapat ba akong sabihin.

"Kanina, nadaanan ko ang bahay mo. Hindi ko alam pero parang naging iba ang pakiramdam ko kaya pumasok ako. Napasin ko ang isang picture na nasa pinto ng bahay mo. Picture mo na kasama ang magulang mo, Charm. May ekis ang mukha ng Mommy at Daddy mo kaya naisip kong baka sila din ang pumatay sa Daddy mo." Napasinghap ako ng hangin sa nalaman ko. Pakiramdam ko dapat hindi na lang ako sumama. Kinilabutan ako sa mga sinabi at nalaman nya.

"Mga hayop sila." Matalim ang tingin ng sabihin iyon ni Charm. Bahagyang nagulat pa ako sa sinabi nya, siguro dapat na akong masanay na nagiging ganito ang ugali nya pagdating sa magulang nya?

"Hindi ko napigilan ang sarili kong pumasok sa loob mismo ng bahay mo at nakita ko ang lahat ng pictures mo ay may ekis din, Charm. Alam na nila kung saan ka nakatira, kilala ka na nila, pero hindi natin sila kilala." Nag-aalalang sabi ni Josh.

Love Me Again HydromyxaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon