Charm's Pov
Iginala ko ang mata ko sa loob ng bahay ko. Kasama ko ngayon si Josh dahil nagpumilit syang sasama sya to make sure that I'm safe. Nakaramdam ako ng sobrang galit ng makita ang mga pictures kong may ekis! They really think na matatakot ako sa paganyan ganyan nila?! Sinira nila ang mga cameras ko! Talagang matatalino sila ano? Paano nilang nalaman na may nilagay akong camera? Pakiramdam ko sobrang ganda ko dahil sa pangsstalk nila! Umakyat ako sa loob ng kwarto ko at tiningnan kung meron silang ginawa doon. Agad kong natakpan ang ilong ko sa nasinghot kong amoy ng kwarto ko! Tiningnan ko ang kama ko at puro dugo 'yon! Mabaho ang amoy at sobrang sakit sa ilong! Isinarado ko ang pinto ng kwarto ko dahil hindi ko makayanan ang ganong amoy!
"What the heck is that smell?!" Iritadong tanong ni Josh ng makasinghot ng amoy niyon! Mas lalo akong nainis!
"They ruined everything! I will make sure that they will pay for this!" Inis kong inihagis ang vase na katabi ko. Napataas ang dalawang kamay nya sa gulat.
"Easy." Nakangising sabi nito. Inis ko syang inirapan at saka tinalikuran. Bumaba ako at pumunta sa sala at naupo sa sofa doon! Bahagyang naigala ko pa ang paningin ko na sana hindi ko na lang ginawa dahil lalong nadadagdagan ang inis ko!
"Anong plano mo?" Tanong nya sakin. Hindi ko sya kinibo dahil nag-iisip ako kung bakit sila pumunta dito! Hindi ko makumbinse ang sarili kong pumunta lang sila dito para manggulo o para mang-inis! Kunot noo kong iginala ang mata ko.
"Charm, ano bang hinahanap mo?" Nagtataka nyang tanong dahil kanina ko pa iginagala ang paningin ko. Tumayo ako at nag-isip.
"Kung dito ko sya ipupwesto, hindi ko makikita ang buong paligid." Sabi ko sa sarili ko na pumwesto sa isang sulok. Kunot noong pinanood ako ni Josh pero di na sya nagtanong pa. Alam nyang masisigawan ko na sya sa sobrang pagtatanong. Pumunta ako sa may hagdanan.
"Kung dito ko naman sya ipupwesto, kitang kita ko kung sino ang pupunta at madidinig ko ang pag-uusap ng kung sino man." Sabi ko pa sa sarili ko. Nakangising iginala ko ang mata at kinapa ko ang gilid gilid ng hagdan. Mas lalo akong napangisi ng may makapa ako doon!
Kinuha ko iyon at ipinakita kay Josh. Gulat na gulat sya sa nakita ko.
"What the?! Hidden Camera?!" Yes, I found a little hidden camera! Sabi na nga ba't hindi ako kumbinsido na iyon lang ang dinayo nila dito.
"If they really think that I'm that stupid, I'm sorry to disappoint them but they don't know how wise I am!" Sigaw ko. Umakyat ako sa kwarto ko. Tiniis ko ang amoy niyon masiguro lang na wala ng camera.
Gaya kanina ay ganon din ang ginawa ko. At tama ang hinala ko, meron din dito. Kinuha ko ang upuan saka umakyat doon. Nakangising iniharap ko ang mukha ko sa camera.
"F*ck you to death." Saka ko ipinakita ang middle finger ko. Kinuha ko na ang camera at inapak-apakan hanggang madurog. Doon ko inilabas ang galit ko.
"Wala na ba?" Tanong ko kay Josh. Ngumiti ito sakin saka umiling. Lumabas na kami sa kwarto ko dahil nananakit na ang ilong ko sa sobrang baho!
"Maghire ka ng maraming bodyguard, Josh. Know their background info. As long as hindi ko pa nakikilala ang mga kaaway ko, makikipaglaro muna ako sa kanila, masyadong naging boring ang kabataan ko kaya nananabik ako sa laro." Nakangising sabi ko. Sumaludo sya sakin.
BINABASA MO ANG
Love Me Again Hydromyxa
RomanceSi Shodfuryl Luis Federigo ay isang mabait, mayaman at higit sa lahat ay matalino na wala pang nakahihigit dito. Maraming nagsasabing gwapo ito ngunit maraming nanghinayang ng malaman nilang gusto nito na magpari sya. Ganunpaman, meron syang nagugus...