Kabanata 4

1 0 0
                                    

Acrimyxa Charm's Pov

"C-charm! Liette! Ano ba?! Tama na yan!" Natigilan ako ng marinig ko ang boses na iyon. Tiningnan ko kung sino ito, nangilid agad ang luha ko dahil kilala ako ng lalaking ito.

Nabitawan ko ang buhok ni Liette na kanina ay ayaw kong bitawan sa sobrang gigil.

"L-liette! O-ok ka lang?" Nag-aalalang tanong nito kay Liette. Tinabig nito ang kamay ng lalaki. Hindi ko alam ang pangalan nya.

"Don't touch me! Don't you dare touch me!" Maarteng sigaw nito.

Tiningnan nya ako ng masama.

"Were not done yet, bitch. Matapang ka, pero may kahinaan ka din. Tara na!" Sabi nito sakin. Nakangisi syang tumalikod. Akala ko ay aalis na sya pero tumingin pa sya sakin, saka ito pumitik.

Nagulat ako ng may maramdaman akong malamig na tubig! Agad akong napa-upo! Ito ang kahinaan ko sa lahat, ang ulan! Kahit pa alam kong peke lang naman ang ulan na ito at kagagawan lang ito ni Liette, natatakot parin ako.

May naaalala ako tuwing umuulan kaya ayoko ng ulan! Ayoko sa ulan!

Nanatili akong nakaupo habang umiiyak nang maramdaman kong may bumuhat sakin. Hindi ko alam pero nagpapasalamat ako sa kanya, dahil kung hindi nya ako inialis sa lugar na iyon, maalala ko na naman ang bagay na ayoko nang maalala.

Napatitig ako sa mukha nya at ilang segundo pa ay nawalan na ako ng malay.

Nagising ako dahil sa mainit na sikat ng araw. Napahawak ako sa ulo ko, ang sakit ng ulo ko. Walanghiyang Liette yon, pinalo ako sa ulo pagka dating ko pa lang.

Iginala ko ang mata ko, mygaaad! Bakit ako nasa kwarto ko?! I m-mean, diba? K-kasama ko yung lalaki nung nawalan ako ng malay.

Nanlaki ang mata ko! Paano nyang nalaman na dito ako nakatira?! Baka stalker ko sya?! Owemgiiii! Hindi pwede! Hindi pwede! Bawaaaaal!

Agad kong nabatukan ang sarili ko.

"Ang bobo mo talaga! Diba nasa kanya nga yung I.D mo?! Malamang tiningnan nya yon kaya ka naihatid dito! Tsk." Sabi ko sa sarili ko. Kumilos naman na ako para sa pagpasok ko. Wag na wag lang talagang magkukrus ang landas namin ng mga katropa nya, dahil babalatan ko sila ng buhay! Ni hindi pa nga ako makakaganti sa ginawa nilang pagsampal at pagsipa sakin tapos lalantakan nila ako ng layas?! Mga gunggong sila!

Kung inaakala nyong friends kami ni Liette, akala nyo lang yon! Pumayag akong makipagkita dun sa tumawag sakin, dahil may kutob akong si Liette ang may pakana non! Akala nya maiisahan nya ako? Hell no. Syempre pinaghandaan ko din naman yon no, na kapag sinugod ako ng mga tropapits nya, iisprayan ko sila ng pabango sa mata! Kaya nga hindi na sila nakalapit, si Liette na duwag na walang ginawa kundi dumada ng dumada! Husto sa salita hindi naman magawa. Masyadong matapang ang dila.

Tiningnan ko ang suot kong damit, hayy. Buti na lang at matalino yung lalaking yun at naisip nyang wag na lang ako palitan ng damit.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba na ako para sa pagpasok. Hindi na ako nag-almusal dahil hindi ako nakaluto, sa school na lang ako kakain. Wala naman kase akong kasama sa bahay. Hayy.

Love Me Again HydromyxaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon