Shod's Pov
"Thank you for today, Charm." Nakangiting sabi ko habang nilalaro ang susi sa kamay ko. Nakangiting tumango tango naman sya.
"Ako dapat mag thank you sayo. Simula nung dumating ka, hindi ko naiisip na may problema ako." Nakangiting sabi nya. Dahan dahan kong nilapit ang sarili ko sa kanya saka sya niyakap.
"Mahal kita." Sabi ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagyakap nya sakin pabalik.
"Mahal din kita." Sabi nya sakin. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko. Ang sarap sa pakiramdam na yakap yakap mo ang mahal mo. Gusto ko lagi na lang kaming ganito. Bahagyang itiningala ko ang ulo ko at tumingin sa langit. Salamat Lord!
"Sige na, aalis na ako." Paalam ko sa kanya.
"Sige. Ingat ka." Nakangiting sabi nya. Nanlaki ang mata ko ng lumapit sya sakin at tumiad! Hinalikan nya ako sa labi! Mabilis lang 'yon pero ramdam na ramdam ko.
"Hindi natuloy kanina eh. I love you!" Mabilis na sabi nya at nagtatakbo paloob. Natatawang pinagmasdan ko sya at napailing na lang. Nakangiting sumakay ako sa kotse, bumusina muna ako bago tuluyang umalis.
Pagkadating ko sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko. Hindi na ako kumain dahil pinakain naman na ako ni Charm ng Dinner. Nagshower muna ako at humiga na. Nagdasal muna ako at kinausap si Lord, humingi ako ng tawad sa kanya at nagpasalamat. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, gusto kong magpari pero sinusubukan ata ako ni Lord. Humingi ako ng sign sa kanya kung dapat ko bang ipagpatuloy ang pagmamahalan namin ni Charm, kung hindi man kami ang magkakatuluyan, masaya na din ako atleast nakilala ko sya. Agad akong nakatulog.
*Kinabukasan*
Maaga akong nagising dahil sa susunduin ko sina Mom and Dad. Kumain muna ako bago umalis. Habang nagmamaneho ako, hindi ko alam pero kinakabahan ako. Hinaplos ko ang rosary na nakalagay sa rear mirror para mawala ang kaba ko.
Ilang oras akong naghintay. Halos napapapikit na nga ako sa sobrang pagkainip. Pero nawala ang antok ko ng matanawan ko si Mommy na kakaway kaway at wagas kung makangiti. Nawala ang ngiti sa mukha ko ng makita kong akay akay nya si Dad! Anong nangyari kay Daddy?! Mabilis akong lumapit sa kanilang dalawa.
"Dad? What happened to you?!" Nag-aalalang tanong ko na pinagmasdan ang kabuuan nya!
"Mom? What happened?!" Tanong ko kay Mommy dahil ayaw magsalita ni Dad. Napailing muna si Mommy saka hinawakan ako sa braso. Nangingilid ang luha nya.
"This is not the right place to talk about it. We'll talk about it later." Ang sabi ni Mom. Napailing na lang ako. Kinuha ko ang mga gamit nila at isinakay sa kotse ko. Tahimik lang kami buong byahe. Hindi ko sila nililingon dahil nangingilid ang luha kong tignan si Dad. Hindi ko sya kayang tingnan na ganyan ang itsura.
Pagkadating sa bahay ay inalalayan ko din si Dad na makapasok saka ko kinuha ang mga gamit nila. Kating kati na akong magtanong.
"A-aray." Reklamo ni Dad. Ano bang sakit ni Dad? Namimilipit sya at hindi alam kung paanong pupwesto.
"Masakit ba Hon? Take this." Inabutan ni Mom si Dad ng gamot. Agad naman 'yong ininom ni Daddy.
"Your Dad has a Prostate Cancer." Nangingilid ang luhang sabi ni Mommy. Napatingala ako dahil sa nalaman ko.
BINABASA MO ANG
Love Me Again Hydromyxa
RomanceSi Shodfuryl Luis Federigo ay isang mabait, mayaman at higit sa lahat ay matalino na wala pang nakahihigit dito. Maraming nagsasabing gwapo ito ngunit maraming nanghinayang ng malaman nilang gusto nito na magpari sya. Ganunpaman, meron syang nagugus...