Acrimyxa Charm's Pov
"Pag-iisipan ko." Sabi nito!
"What?! Anong pag-iisipan?!" Hindi ko sya maintindihan! Kung gusto nya akong gantihan! Wag sa ganong paraan! Hindi tama yon!
"Pag-iisipan ko kung ikakalat ko o ikakalat ko." Nakangiting sabi nito! Naaasar ako sa ngiti nyang iyon. Hindi ngiting nagpapacute, ngiting may balak gawin!
"Shod naman! Hindi mo alam kung anong mangyayari kapag ikinalat mo yun!" Naiiyak nang sabi ko! Palibhasa wala silang alam! Ganyan ba talaga ang mga tao?! Kahit wala silang alam, nakikialam sila!
"Eh, ano naman?" Walang ganang tanong nya! Doon na tumulo ang luha ko. Akala ko ba mabait sya?! May ugali din pala!
"Palibhasa wala kayong alam, kaya madali lang sa inyo gawin ang isang bagay kahit hindi ito pinag-iisipan. Gusto mo gumanti sakin? Osige, ipagkalat mo! Ipagsigawan mo! Isulat mo! O kahit na anong gawin mo maikalat lang yung nalaman mo! Sanay na sanay ako sa kahihiyan!" Sigaw ko sa kanya! Mabuti na lang at wala nang students dito! Pero kahit marinig nila wala na akong pake! May nakaalam na e, ang magagawa ko na lang ay ihanda ang sarili.
Tinalikuran ko na sya kahit na nagulat sya sa sinabi at inasta ko, natural na reaksiyon ng mga taong walang alam sa buhay ko.
Hindi ko alam pero naiiyak ako. Hindi ko kase alam kung anong mangyayari.
Umuwi na ako sa bahay ko, nagkulong lang ako sa kwarto. Iyak lang ako ng iyak. Isang dahilan ang pumasok sa isip ko para matakasan ko ang lahat. Ang magdrop out.
*Kinabukasan
Maaga akong gumising para maghanda na sa pagpasok. Parang wala ako sa sarili. Ito na kase ang huling araw ko para sa pagpasok ko, buo na ang desisyon kong lilipat na lamang ako ng ibang school at kukuha ulit ng scholarship para wala akong bayaran.
Pagkadating ko sa school namin, napatitig na lang ako sa gate, University of life, mamimiss ko 'to.
Pumasok na ako at lahat ng madaanan ko ay tinitignan ko, maraming ala-ala ang nabuo ko sa school na 'to, kahit pa wala akong kaibigan, naging masaya naman ako. Dito ko natutunan na, kahit mag-isa ka kaya mong maging masaya, na kahit kelan hindi ko natutunan sa teacher o sa libro.
Pagkatapos kong libutin ang lahat, pumunta na ako sa Records Office, kukuhanin ko na lahat ng mga records ko at sasabihin kong magddrop out na ako. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Tumingin naman sakin si Prof. Lindo.
"Good morning, Ma'am Lindo." Bati ko. Sinenyasan nya naman akong maupo.
"Good morning, Ms. Charm. What can I do for you? Do you need something?" Mabait ang Prof na 'to. Isa din sya sa mga mamimiss ko. Umiling naman ako.
"I'm here to say that, I am d-dropping out." Nakayukong sabi ko. Sa wakas nasabi ko din. Natahimik si Ma'am, marahil ay hindi sya makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Love Me Again Hydromyxa
RomanceSi Shodfuryl Luis Federigo ay isang mabait, mayaman at higit sa lahat ay matalino na wala pang nakahihigit dito. Maraming nagsasabing gwapo ito ngunit maraming nanghinayang ng malaman nilang gusto nito na magpari sya. Ganunpaman, meron syang nagugus...