6 years later...
Shod's Pov
"Bilhan mo na kase ako non. Please?" Nagpapacute na sabi nya sakin habang nakakawit ang kamay sa braso ko. Nakanguso ang kanyang labi at nangungusap ang mata.
"No." Mariing sabi ko na lalo nyang ikinanguso. Inalis nya ang kamay sa braso ko at tinignan ako.
"Bakit ba kase? I like that lipstick!" Nagngungotngot na sabi nya sakin na tinuro pa ang lipstick na ayokong bilhin. Napabuntong hininga ako.
"I said no, it's final. I don't like seeing your lips with lipstick. Hindi bagay sayo." Nakalagay sa bulsa ang kamay na sabi ko.
"Nakakainis ka naman, eh!" Natawa ako sa inasta nyang 'yon, para syang bata. Hindi ako nakatiis kaya hinila ko sya at binalikan namin ang lipstick na sinasabi nya. Ngiting ngiti naman sya matapos kong mabayaran 'yon.
"Thank you, Luis!" Ngiting ngiting sabi nya na binalik ang pagkakakawit sa braso ko.
"Alam mo naman na 'di kita matiis, Liette." Nakatingin sa daang sabi ko. Nakita ko naman ang malawak na pagngiti nya.
"I am too, Luis!"
Masaya kaming naggala sa Mall ni Liette. 6 years na kaming magkaibigan, In my ups and down she's always with me, hindi nya ako iniwan noong mga oras na sobrang down na down ako dahil niloloko ako ng mundo. Nakita ko na lahat ng ugali meron sya, mataray sya lalo na sa mga nagkakagusto sa kanya, she don't like commitment dahil takot sya don. Childish din sya minsan lalo na 'pag hindi nakukuha ang gusto, minsan naman ay sobrang clingy nya na minsan bigla na lang akong yayakapin at hahalikan sa pisnge saka tatakbo, minsan naman ay lagi syang naiinis sakin at mas lalo ko naman syang iniinis. She is a good friend of mine.
Pagkatapos namin maggala at kumain ay sumakay na kami sa kotse ko at pinaandar. Magkatabi lang ang condo namin dalawa, sinadya nyang pagtabihin dahil gusto nya daw na bwisitin nya ako ng bwisitin. Pumayag naman si Mommy at ang parents nya na magkatabi kami ng condo unit dahil may tiwala sila samin, naging magbusiness partner ang both parents namin. Dad is ok now, but the doctor said na 'wag kaming pakampante dahil maaaring bumalik ang Cancer nya. Kinlaro ko na din kay Dad na hindi pa ako handang magpari, I don't know if I'm ready and besides God haven't yet give me a sign.
"Go to your unit." Utos ko sa kanya bago buksan ang pinto ng condo ko.
"No. Dyan muna ako." Nakangiting sabi nya. Seryoso ko syang tiningnan.
"Change your clothes first." I said. Nakangiting tumango naman sya at mabilis na pumasok sa condo nya. Pumasok na din ako at nagpalit ng damit. It's already 7:00 pm. Tiningnan ko ang pinto ng bumukas iyon at tumambad si Liette. Bastahan na syang umupo sa sofa ko.
"Ano ba magandang panoorin?" Tanong nya na nasa Tv ang paningin at panay ang lipat ng channel. Hindi naman ako sumagot at umupo lang sa tabi nya.
"Ay alam ko na! Fifty Shades Of Grey!" Saka sya malakas na tumawa. Nagtatakang tiningnan ko naman sya.
"Fifty Shades Of Grey? Maganda ba 'yon?" Tanong ko sa kanya. Mas lalo naman syang natawa. Siguro nakakatawa ang palabas na iyon.
BINABASA MO ANG
Love Me Again Hydromyxa
RomanceSi Shodfuryl Luis Federigo ay isang mabait, mayaman at higit sa lahat ay matalino na wala pang nakahihigit dito. Maraming nagsasabing gwapo ito ngunit maraming nanghinayang ng malaman nilang gusto nito na magpari sya. Ganunpaman, meron syang nagugus...