Kabanata 14

0 0 0
                                    

Shod's Pov

Sabado ngayon at walang pasok, andito ako ngayon sa sala at nanonood. Nag-iisip ako kung ano ba ang dapat kong gawin dahil sa nilalamon ako ng sobrang kaboringan. Puro katulong lang ang kasama ko dito, kaya ayoko talaga sa bahay, mas gusto ko pa sa School na lang at nag-aaral. Mabuti na lang at tumawag sakin sina Mom and Dad kanina, uuwi daw sila ng pilipinas bukas at may mahalagang sasabihin.

Napatingin ako sa phone kong biglang umilaw. Kinuha ko iyon saka tiningnan kung sinong tumatawag. Si Charm? Bakit naman kaya? First time 'to ah. Nakangiting sinagot ko ang tawag.

"Napatawag ka?" Nakangiting tanong ko kahit hindi nya naman nakikita.

"Kakapalan ko na ang mukha ko sayo, ano kase. Ahm." Napakunot ako ng noo.

"Ano 'yon? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi. Walang problema. Ano kase gusto sana kita papuntahin sa ano kase nga ano eh." Ang gulo nya!

"Ha? Hindi kita maintindihan. Puro ka ano ng ano mamaya aanohin na kita eh." Natatawang biro ko. Narinig ko naman ang pagtawa nya.

"Anong aanohin? Diba dapat ako mang-aano sayo?" Hindi pa man nya nasasabi ay ang lakas na ng paghagalpak nya. Nadala tuloy ako.

"Ano nga kase 'yon? 'Wag ka nang mahiya." Sabi ko.

"Sige na nga. Ganto kase 'yon, pumunta ka sa bahay ko. May gagawin tayo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"A-anong gagawin?" Nauutal na tanong ko.

"Basta! Pumunta ka na dito! Bilisan mo at ready na ako." Saka nya ibinaba ang linya. Bahagyang tinitigan ko pa ang phone na hawak ko.

Anong ready na sya? Hindi pa ako ready.

Agad akong kumilos. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay sumakay na ako sa kotse. Pinagbilin ko din sa mga maids na 'wag hahayaang nakabukas ang pinto. 'Yon lang. Skl.

Pagkadating ko sa bahay nina Charm ay bumaba na agad ako sa kotse at pinindot ang doorbell. Maya maya pa ay tumambad ang mukha ni Charm sakin. Nakasimpleng Tshirt lang sya na hanggang siko ang kamay at nakashort.

"Pasok ka." Anyaya nya sakin na hinawakan pa ako sa braso at giniya papasok. Nahihiyang nagpaubaya naman ako.

"Anong gagawin natin dito Charm?" Nagtatakang tanong ko ng hilahin nya ako papunta sa kwarto nya pero hindi nya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paghila sakin. Bigla nyang binuksan ang pinto at pumasok kami don. Agad kong tinakpan ng kamay ang ilong ko ng masinghot ko ang sobrang bahong amoy na 'yon! Dali dali akong lumabas! Pakiramdam ko ay nag-akyatan lahat ng kinain ko simula kagabi hanggang umaga! Nasusuka ako! Inalis ko sa isipan ko ang amoy para hindi ako lalong mapasuka. Uubo ubo ako pagkalabas na pagkalabas ko! Woooh!

Love Me Again HydromyxaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon