Sarah's POV
Tumayo ako at naglakad pabalik sa resthouse. Ewan ko. Hindi ko alam basta ang alam ko lang naiinis ako. Naiinis ako sa mga narinig ko. Di ko din alam kung magiging masaya ako kasi di na mahal ni Ranz si Trixie. O magagalit kasi baka isang araw mapaniwala ni Trixie si Ranz na parang walang nangyare at magkabalikan sila.
"Psst!"
"May problema ba?"
"Pansinin mo naman ako."
"Huyy kinakausap kita."
"P*ta!"
Tumakbo na ako kasi hindi ko na talaga kaya. Bwisit na luha oh! Hinatak niya ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya. Bat ba kasi ang layo ng nilakad ko eh, yan tuloy hanggang ngayon wala padin ako sa resthouse.
"Ano bang problema mo?"
Ouch. :'(
Ang sakit ng ulo ko. :(
"R-ranz." napahawak ako sa ulo ko.
"Ok ka lang?" sabi niya habang inaalalayan ako. Feeling ko anytime pwede na akong bumagsak. :'(((
"A-awch."
"A-ahhhhm... tara na. Balik na tayo."
Inalalayan niya ako maglakad. Ang sakit talaga. :'(
Nakarating na kami sa resthouse. Lahat sila nandun na. "Oh ano nangyare?" bungad ni Rica.
Dire-diretso lang si Ranz sa pag-alalay saken papunta sa room ko.
"Magpahinga ka muna dito ah. Babalik ako, magdadala ako ng pagkain at gamot sayo ok?" sabi niya. Gusto ko malaman kung gaano niya ako kamahal. Kung hanggang kailan niya ako mamahalin.
Lumabas na siya sa room.
Pinikit ko muna yung mga mata ko kasi masakit na talaga yung ulo ko. Naluluha ako sa sobrang sakit.
Maya maya narinig kong bumukas yung pinto kaya minulat ko yung mata ko. May dala siyang pagkain.
"Eto na pagkain oh." sinubuan niya ako ng noodles. Argh! Ranz nakakaturn on ka pa ng sobra!! :")
"Ahhhm... Ranz... Hanggang kelan mo 'ko mamahalin?"
"Hanggang kamatayan." sabi niya habang sinusubuan ako. Seryoso yung mukha niya. "Oh, inumin mo 'tong gamot." kinuha ko yung gamot tapos ininom.
******
"Psst! Sarah! Gising na." gising saken ni Rhea.
"Hmmm.... Bakit?"
"Kakain na. Tara na. Para sabay sabay na tayo." sabi ni Maxine.
"Teka. Nanghihina ako."
"Malamang bagong gising ka. Abnormal ka ba?"
"Halika na. Bumangon ka na jan." sabi ni Rhea.
Inalalayan na nila ako bumangon. Nagmamadali ata. HAHHA! Pero swear nanghihina talaga ako. Pagkatapos kong makatayo bumaba na kami. Nandito na pala sila lahat.
Kumuha ako ng baso.
*kraaaaak*
Shiiiiiiiit!
"S-sorry."
Tumakbo agad saken si Ranz at nilayo sa nabasag na baso.
"Ok ka lang?" nag-nod ako. Shitt! Ba't ba ako nagkakaganito?
******
Ranz's POV
Uuwi na kami kasi 2 days na lang pasukan na ulit.
Simula nung dumating kami dito sa Tagaytay parang may kung ano anong nangyayare kay Sarah. Bigla biglang sumasakit yung ulo, nakakabsag ng baso. Ewan ko ba.
"Pre ok ka lang? Ang lalim ata ng iniisip mo ah." sabi ni Ully.
"Oo nga. Di namin ma-reach." sabat ni Clarence.
"Nag-aalala kasi ako kay Sarah eh."
"Oo nga. Ano kaya nangyayare dun noh?" tanong ni Oliver. Kahit ako napapaisip na din kung ano nangyayare sa kanya eh.
"Dalian niyo na mag-ayos namimiss ko na si Onin." sabi ni Owy. -____-
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ano nga ba nangyayare kay Sarah? Abangan.
HAHAHAHA!
Read. Comment. Vote