Ranz's POV
*Monday*
Puro na lang si Migz Migz Migz. Migz dito Migz doon. Masakit masakit! Iniiwasan ko na rin siya
para mabawasan kahit papano yung sakit. HAHAHAHA! :(
FLASHBACK 1
"Ranz! May pupuntahan ka ba mamaya? Samahan mo 'ko sa mall may bibilhin ako para kay Migz
eh."
"Ay.. May lakad ako eh next time na lang." pero wala talaga.
FLASHBACK 2
"Ranz tulungan mo 'ko dito sa Science project please."
"Madami akong gagawin ngayon eh. Sige bye." sabi ko habang papalayo pero tapos ko namana
lahat ng gagawin ko.
-End of flashbacks-
Oh diba? Naaalala niya lang ako pag may kailangan siya. Sino bang matutuwa nun? Tas si Migz
oras oras kasama niya.
"Ranz."
"May gagawin pa pala 'ko." tas inayos ko yung mga gamit ko.
"P*ta naman Ranz! Ano bang problema mo?!?!?!"
"Gusto mong malaman kung anong problema ko?! Kayo! Kayo ni Migz! Oo! Nagseselos ako dahil
siya na lang lagi kasama mo! Nagseselos ako kase GUSTO KITA!! Ay hindiii MAHAL KITA! MAHAL
KITA!!"
Sarah's POV
"Gusto mong malaman kung anong problema ko?! Kayo! Kayo ni Migz! Oo! Nagseselos ako dahil
siya na lang lagi kasama mo! Nagseselos din ako kase GUSTO KITA!! Ay hindiii MAHAL KITA!
MAHAL KITA!!"
Ano nanaman ba 'to?
Pagkatapos niya sabihin yung umalis na siya. Maya maya din nun umuwi na 'ko.
FASTFORWARD
"Oh anong nangyare sayo?" tanong ni kuya.
"Kuya..."
"Ano?"
"S-si Ranz."
"Ano meron?"
"N-nagseselos *sniff* siya kay Migz. Kuya... ma---"
"Mahal mo siya?" tumango naman ako.
"Nag-away kami. Kanina niya sinabe na mahal niya 'ko."
"Alam mo ba yung nangayre sa kanya nung nag-absent siya ng 1 week?" umiling ako.
"May mallshow sila nun. Ayaw niyang ipasabe sayo kase gusto niyang mamiss mo siya. Namiss
mo ba siya?"
"Sobra."
"Halata naman eh. Iyak iyak ka pa nga eh."
"Tse!"