Ranz's POV
Uhhhhm... bumalik na yung ex ko. Si Trixie yun. Iniwan niya 'ko syempre sobrang sakit saken
nun. Pero wala na rin naman akong nararamdaman para sa kanya eh. Kase ang laki ng
pinagbago niya. Hindi siya yung Trixie na nakilala ko, minahal ko DATI. Parang naging maarte na
siya eh hindi naman ganun yung Trixie na minahal ko noon eh.
Hanggang kaibigan na lang tingin ko kay Trixie at hindi na hihigit pa dun. Kasi nga iba na ang
mahal ko diba? Si Sarah, si Sarah lang ang nag-iisa pero iba din yung mahal niya. Hanggang
kaibigan lang din tingin niya saken. Yung tingin ko kay Trixie parang ganun yung tingin niya
saken.
Sarah's POV
-Dismissal-
Papalapit saken yung girl na kaibigan ni Ranz.
"Hey girl, ikaw ba yung babaeng lumalandi kay Ranz?" ha? Landi? Ako? Nilalandi si Ranz?
Huweh? Talaga?
"H-ha?"
"Sabi ko ikaw ba yung lumalandi kay Ranz?"
"Di ko po siya nilalandi?"
"Talaga?" abay puuuuu.... tatanong tanong tas hindi maniniwala. Uupakan ko 'to eh.
"O-opo."
"Pwede layuan mo na siya?"
"Ha? Pero di ko kaya yun."
"Pag sinabi kong lumayo ka sa kanya lumayo ka!"
"Eh di ko nga kaya."
"*pak*"
Di naman pwede na tumunganga lang ako dito. Di kami close tas sasampalin lang ako netong
hinayupak na 'to.
"*pak* Sino ka ba para utusan akong layuan si Ranz?!"
"Ex ko si Ranz! Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya!! Hindi ako.papayag na maagaw mo siya
saken!" E-ex? Ex siya ni Ranz?
Bigla niya na lang akong sinabunutan.
"Trixie, Sarah!" sigaw ni Ranz.
"R-Ranz... Naglalakad lang ako dito tas bigla niya na lang akong sinampal tapos sabi niya layuan
daw kita." ha? Anong pinagsasabi netong hampaslupang 'to?
"Ranz... hindi. Sabi niya layuan daw kita."
"Sarah ano ba?! Akala ko kilala na kita.. pero hindi pala. Sinungaling ka!" Ha? S-si Ranz ba 'tong
kausap ko? S-sinabihan niya akong si-sinungaling. Bakit? Mas naniniwala pa siya dun sa bruhang
babaeng yun.
Tumakbo ako papuntang garden.
"*huk* Puta!! ay-ayoko na *huk* nag-iba ka na t-talaga Ranz."