Chapter 1

10K 106 75
                                    



September 26, 2017

1

•••***•••

" MatMat, halika ka nga muna dito. " sigaw ni nanay mula sa bahay namin.

" sandali po nay, inaayos pa po namin ang lambat." Ganting sigaw ko.

" hay., saglit lang."

" bai, una muna ako ha. Tawag ni nanay" paalam ko sa mga kasama ko sa bangka. Tumango naman ang mga ito bilang sang-ayon.

Tinakbo ko ang pagitan ng aming bangka patungong bahay .. Katapat lang ng bahay kung san ako lumaki ang napakalawak na dalampasigan. Isa ako sa mga mangingisda dito sa bayan namin. Maliit lang ang isla dito, kaya lahat kami ay halos na magkakakilala. Simpleng pamumuhay pero masaya kaming lahat. Kasama ko sa buhay ang nanay at dalawa kong nakababatang kapatid na babae. Sila lang ang buhay ko. Mula kasi ng lumuwas ang tatay ko, di na ito bumalik. Wala na kaming balita dito..

" nay.. ano po yun?"

" itong si Marie ayaw na naman kumain nang wala ka! Pakainin mo muna dahil papunta na akong palengke! Tanghali na at di pa ako nakakabenta." Si Marie ang bunso kong kapatid. Kung ilang taon ito, ganun din ang taon na di na bumalik si tatay. Walong taon na..

" bakit naman ayaw mong kumain ah?" Tanong ko sa kapatid ko. Pilya itong ngumiti bago nagsalita.

" eh kuya si nanay papakainin na naman akong gulay! Eh gusto ko nga po chicken joy, yung gaya sa commercial ni Idol.. yung hashtag!! Puro na lang po tayo kangkong! Gulay gulay gulay!!!" Reklamo nito. Natawa na lang ako kasi kahit na mahirap buhay namin, nakakasurvive naman kami!

" asan na ba si Maya? Sana sumabay ka na sa kanya kumain, "

" kuya umalis po. Sumama po dun sa mga kaibigan, kaya wala na naman akong kasama kumain. Kaya samahan mo na ako kuya. Si ate parati lang ako nun iniiwan.. buti ka pa kuya, mahal na mahal mo ako.."


" madrama kang bata ka! Ang sabihin mo, sa akin lang umuubra yang pagka pilya mo! "

" kasi peyborit mo ako!"

" tama ka naman! Kasi ikaw pinaka paborito ko. Wag mo lang sabihin kay Maya. Sikreto lang natin to.." at pareho kaming natawa!!

" hep!! Bakit parang nagkakampihan na naman kayo??!" Sabay kaming napalingon sa pinangalingan ng boses! Magkasalubong ang kilay at nakapameywang ito na nakatingin sa amin. "Ikaw kuya ha, masyado mo nang pinapahalata na mas mahal mo si marie!! Hmmmp!!"

" maya?!"

" alam mo marie, sabi ni kuya ako mas mahal nya, pag ako kaharap.. pag ikaw kaharap, ikaw naman daw mahal nya. Naku, binobola ka lang ni kuya!! Ako kaya ang mas nauna sa yo kaya ako ang mas mahal ni Kuya" nakangising sabi nito sa bunso namin . Dose anyos si Maya, at grade seven na ito sa pampublikong paaralan dito. At isa din talaga itong mapanukso na kapatid! Gustong gusto nitong pinapaiyak ang bunso namin, gaya ngayon!!!

" ku-kuya!!! Ahhhhhh!!! Si ate oh!!!! " iyak ni Marie. At si Maya, ayun anglakas ng tawa!!

" iyakin!!" Patuloy na tukso nito.

" Maya'!!" Banta ko dito. Pero itong kapatid, walang patawad!

" hahhaha.. iyakin na bata.. iiyak pa yan! Iiyak pa yan!!"

" kuyaaaaa!!!! Si ateee oh!! Kuyaaa!!" Mangiyak ngiyak na tawag nito sa akin. Nilapitan naman ito agad ni Maya..

" hahahaha!! Halika ka nga beybi namin! " lumapit na si maya dito sabay buhat sa maliit naming bunso! Maliit lang si Marie kumpara sa kaedaran nito. Kulang kasi sa buwan ng pinanganak ito.. at kulang din sa mga nutrisyon ang bata.. wala kasing bitamina.. kaya kumakayod akong maigi para sa pamilya ko..

" parati mo na lang ako niloloko ate.. "

" kasi labs kita!"

" hmmp.. kuya!"

" oh ano yun?" Tanong ko kay Marie.

" sali ka dyan oh" sabi nito sabay turo sa patalastas sa tv.

" ano naman yan?!" Tanong ko.
Magkapanabay na sumagot ang kapatid ko..

" The Voice!!! "

" ano!!!?!"

" tapos si coach Sarah piliin mo kuya! Idol na idol namin yun!!"  Kilig na kilig na sabi ni Marie. Sumegunda naman dito si Maya..

" tsaka Ultimate crush mo yun diba?!"





" Ms. Sarah!! "

Huminto ako sa paglakad dahil sa malakas ng sigaw ng isang lalake. Katatapos ko lang sa isang corporate show para sa isang organisasyon ng mga pilantropo..

Another fanatic, i assume.

" yes?"

" ahm-,im .. "

" kung mauutal ka lang, sinasayang mo ang oras ko! Now talk! What is it that you want?!" Mataray kong tanong.

" im- im a fan.. im Lorenzo Madrigal , Gov. Madrigal's son..," Tinaasan ko lang ng ito ng kilay sabay tingin sa nakalahad nitong kamay sa harapan ko..,halos mamuti na ito sa nerbyos! Kagaya lang din ito ng ibang lalake, puro pahangin at pag tinarayan mo na, aatras lang din pala!

" tss.. whatever"  Irap ko sabay talikod. My whole entourage followed after..

" Can I date you?" Sigaw nito.

Saglit akong huminto saka lumingon dito..

" date me???"

" yeah.."

" contact my management if you want me to campaign for your dad, or for yourself.. Every appearance i made is worth millions! Now, if you cant afford one, then you can never 'date' me.."

Naiwang nakatulala ang nagpakilala sa akin. Ganito ako. Lahat ng ginagawa ko ay may katumbas na presyo! Im the most in demand star of this generation. Kaliwa't kanan na endorsements, tv guestings, corporate shows, . Bawat project ko ay di bumababa sa milyon ang halaga! I am called The Queen.

Pero..

Kaakibat ng kasikatan ko ay ang iba't ibang isyu.. Kesyo kabit ako, playgirl, kabi-kabila ang boyfriend, malandi.. lahat na ng mga di kanais nais na isyu, ay ang aking agahan, tanghalian at hapunan! But i dont give a damn! And besides...

I wont be the superstar of this generation for nothing..

Only For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon