Chapter 4

1.8K 65 18
                                    

4

•••***•••

" andito na po tayo" anunsyo ko sa lahat. Masaya sng grupong to, lahat nagsisigawan sa tuwing napapahampas kami sa alon, pero sa dulo ng sigaw, tawanan naman..

Maliban na lang sa isang kasama namin na kung nakakapatay lang ang mga titig, kanina pa ako nakahandusay dito!!

" tsk. Ang ganda nga, sobrang taray naman. Pinaglihi ata to sa amplaya, ang pait ng ugali!" Bubulong bulong kong sabi. At  napansin pala ito ng isa nilang kasama.

" Kuya.. ang ingay mo po.. hahahah"

" ay sorry po! Narinig kaya ako?" Tanong ko habang nakalabing nakatingin kay Ms Superstar!

" hindi naman po ata.. hehehe.. pero ang cool mo po ah! Galing ng pagbuhat ko ah! Macho!!"

" ay!! Nakakahiya naman sayo.. Ako nga pala si Matteo.. ikaw iha, anong pangalan mo"

" kuya naman ih! Kung maka Iha ka sa akin!! Bente tres na ako kuya! At ako si Chloe, personal assistant ni ate Sarah."

" sorry po.. hehehe.. buti nakatagal ka"

" opo naman! Mabait din po naman si ate Sarah.. "

" pag di sinusumpong" bulong kong pagpapatuloy!

Sabay kaming natawa. Mabait na bata to. Sana man lang ay mahawaan nya ng kabaitan ang amo nya!  At nang lumingon ako sa gawi nito, muntik na akong atakehin sa puso dahil sa mala -tigreng tingin nito sa akin! Parang gusto akong kainin ng buhay!!!!

Nginisihan ko ito, pero ibang klase! Inirapan ako ng higit pa sa bonga!!!

" maari na po tayong bumaba. Dahan dahan lang po!wag nyo pong aalalahanin ang mga bagahe nyo, kami na po ang bahala sa mga iyon"  Nagsitayuan na isa isa ang mga bisita, maliban kay Ms Superstar!

Medyo maalon alon pa ng konti kaya gumagalaw ang bangka. Isa isang nagsibabaan ang lahat, at ang naiwan na lang ay si Chloe, ako at si Sarah..

" ate, dahan dahan lang po. Hahawakan ko po kayo.. " ani ni Chloe

" Chlo!! Gumagalaw ang bangka!"

" medyo po. Pero hahawakan ko po kayo. At , sina kuya Jun nasa baba na po para alalayan kayo.. "

Mukha itong nagdadalawang isip kung bababa o hindi! Pero kailangan nyang bumaba! Baka papabuhat pa to sa akin! Ano sya, sinusuwerte?!

" ehem.. Ms Superstar.. " singit ko

" dont come near me. "

" tsk.. tutulong pa sana ako , pero mukhang ayaw niyo pong lumapit ako. Tama po ba pagkakaintindi ko sa ingles nyo?" Pang iinis ko dito!

" just go somewhere else!!! Please lang!! Shoo!! "

" hala ka! Ano ako insekto??!! Hoy Ms Superstar!! Ako pa itong nagmamagandang loob na tumulong Po sa inyo, ako pa itong tinataray tarayan nyo! Eh di Wow!! Halika na iha! Bumaba na tayo" mahina kong tinulak si Chloe para mauna itong bumaba ng bangka. Sumunod naman ito.

" Chlo!! chloe!! Dont leave me here!!!" Pasigaw nitong sabi! Pero tinalikuran ko na din ito. " shit shit!! Hey!! dont leave me here!!! Hoy!!! "

" ako tawag mo?" Nakangisi kong sabi. Isang hakbang na lang sa hagdan ay nasa dalampasigan na ako..

" not you! My bodyguards!! "

Only For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon