Chapter 3

2K 70 28
                                    

3

...***...

"Kuya, buti naman nauwi ka na" ito ang bungad sa akin ni Marie. Hawak hawak pa nito ang laruang manika na bigay ko nitong kaarawan nya.

" Kumain ka na ba? Asan ang ate Maya mo? " tanong ko dito. Nilapag ko ang dala kong bag sa maliit naming sofa saka nagtungo ng kusina upang uminom ng tubig.

" kumain na po ako. Nagluto si nanay kanina ng sinigang, ang sarap sarap po. Nagtira nga kami sayo kuya, gusto mo na bang kumain, ipaghahain kita"

" ang sweet naman ng bunsoy namin. . Teka nga, asan na nga pala ang ate maya mo? " nilibot ko ang aking paningin at di ko nga makita ang isa ko pang kapatid!! "

" nagload po kuya sa may tindahan. " sagot nito habang nilalagyan na nito ng kanin ang plato ko. Hindi gaya ni Maya, masyadong maalalahnin itong bunso namin. "Upo ka na po. Kukuha lang ako ng sabaw para sayo"

" ako na Marie, mainit pa yun. Samahan mo na muna si kuya na kumain ng pananghalian."

" Sige po. .ay, galing po dito sina Kuya Marco at ang mga bodyguards nya! Binigyan po akong chocolates, nasa ref po . Kita mo Kuya, ? Ang dami po nya binigay!"

" talaga! Andito na pala si Marco. Di man lang ako tinext ng mokong na yun! "

Si Marco ay kababata at barkada ko. Anak ito ni Mayor. Dati kasing Driver ng pamilya nina Marco si tatay, habang si nanay naman ay kusinera nila dun. Kaya nung nagpakasal sina nanay at tatay, itong bahay at lupa ang regalo ni mayor sa kanila . Mula ng mabuntis si nanay sa akin, tumigil na ito sa pagtatrabaho, kaya si tatay na lang ang solong kumakayod. .Mabait ang pamilya nina Mayor Lopez, di matapobre. Kaya ang panganay at solong anak nitong si Marco na kaedaran ko din ay naging barkada ko.

" babalik lang po sya mamaya, antayin nyo daw po dito. May trabaho po daw sya ibibigay sa yo."

" Hmm . Timing , para maka ipon ako para sa susunod na sem. "

" di ka pa po ba gagraduate ng college kuya? Six years ka na pong nag-aaral"

" Eight years na bunso! At isang sem na lang, magkakaroon ka na ng kuyang engineer! " dahil na din sa ako na tumayong padre de pamilya, kung anong subject lang ang pwede kong kunin, yun lang ang inuuna ko. Minsan nga sa isang sem, isang subject lang ang kinukuha ko. .Swerte ko nga itong sem na to at tatlong subjects ang malapit ko nang matapos. .

" wow ! Ang galing galing talaga ng kuya ko!! "

" syempre, gagawin ko ang lahat para sa inyo . Pangako ko na bibigyan ko kayo ng magandang buhay ni Maya! At si nanay, magiging reyna ito ng sarili nating mansyon! "

" araw araw nang chickenjoy ulam natin kuya?"

" pwede!! " Pumalakpak pa ito sa sobrang tuwa! Wala namang masama na mangarap. Kaya lahat ng ginagawa ko para sa kapatid ko. Papatunayan ko kay tatay, na kahit iniwan nya kami, kaya kong buhayin ang pamilya ko!

" Matteo! "

" Marco! " bakas ang tuwa sa mga mukha namin ng makita namin ang isat isa. Sa Manila na kasi nakabase si Marco, ang alam ko , may bar ito dun. Umuuwi lang ito ng isla, sa tuwing kaarawan ng tatay nito. .Gayunpaman, sa tuwing nagkikita kami, di pa din namin nalilimutan ang isat isa.

" I have a job for you my man,! . This is very important and confidential .. "

" teka, pumasok ka nga muna ng bahay at dun natin pag usapan '

Only For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon