Chapter 53

3.4K 96 168
                                    

53

...***...

Medyo napasarap ng tulog ko. . After that heart to heart talk with daddy, nakatulugan ko na ang pag-iyak. At ngayon, kung di pa ako nakaramdam ng gutom di ako babangon. . Dahan dahan akong bumangon , saka ko kinapa sa dibdib ko kung may galit ba ako sa daddy ko o wala . .And then i realized, tama ang mga sinabi ni Matt. .Ang mga bagay na bahagi na ng nakaraan ay di na dapat pang binabalikan. .

And speaking of Matteo . . .

" shit! Matteo!!" Napabalikwas ako ng bangon saka mabilis na bumaba ng kama. Dali dali akong tumakbo pababa upang hanapin ito.  . Anong oras na ba?? Bakit ba ako nakatulog!! Bakit kasi nalimutan kong kasama ko pala ito!! 

"Matt!! " tawag ko dito.  .Past ten in the evening, that's what the time tells, and here i am looking for Matteo! Nakauwi na ba ito? Kumain na ba to?? Kinausap ba nito ang daddy ko?? Si mommy, nakulitan ba sya kay mom?? Ang daming tanong ang bumabagabag ngayon sa isip ko . .

" Manang.  " tawag ko sa isa naming kasambahay. .

" ay buti nagising na po kayo. . gusto nyo pong kumain? Ipaghahanda ko na po kayo . ."

" si Matt po? " tanong ko dito.

" nasa living room po .. "

" Nakakain na po ba? Sana pinaakyat nyo na lang sa kwarto ko . .Or sana , ginising nyo po ako" nagmamaktol kong sabi dito. Matagal na itong nagsisilbi sa amin, kaya parang pamilya na ang turing namin dito. Kasambahay na to ng pamilya nina Dad, at nung nanganak si mommy kay Ate, ito ang kinuha nilang maging yaya ni Ate,  . .

" sarah, isa isang tanong lang. . "

" Manang naman ih . .Lahat nang tanong ko narinig mo na po . ."

" Kanina pagtulog mo, umalis sya . Nagpaalam sya sa daddy at mommy mo na pupuntang trabaho. Madami daw kasing pending na trabaho nya. .Pero bumalik din nitong mag aalas otso. Kausap sya ni mommy mo , gustong gusto sya ng mommy mo . .eh nagdala ba naman ng bagong pitas na ubas, kaya ayun, tuwang tuwa si mommy mo sa kanya. .sinabihan ko nga na mag hapunan, ayaw naman. Aantayin ka daw. ."

" ah sige po, pahanda na lang po ng pagkain. .ako na pong bahala magligpit after,so you can rest na din po "

" hihintayin ko na lamang kayong matapos. ."

" hind na po manang, ako na po bahala.  .salamat po"

" oh sya sige, kung yan ang gusto mo . . "

" thanks po . ."

" Masaya ako . " natigil ako sa paglakad saka ako lumingon dito..  " sabi ko , masaya ako . .Masaya ako at nakikita kitang maligaya. .Sana tuloy tuloy na yan ha. ."

" manang. . "

" halika ka at yakapin mo ako gaya nung mga maliliit pa kayo" mabilis kong tinawid ang pagitan namin at niyakap ko ito ng buong higpit. .  " mahal na mahal kita alaga ko. . "

" mahal din po kita manang ko . ." At mas lalo ko pa itong niyakap . . " karga mo ako manang "

" asus batang to! Di na kita kayang buhatin. . Dun ka sa nobyo mo magpakarga! "

" Manang. . Boto ka ba sa kanya? "

" aba eh tinatanong ba yan?? Ang gwapo! Ang bait! Ang galang! Pati ako nga kanina kinakausap,  , .alam mo naman na di kami close nung Enzo mo . .ang taas ng tingin sa sarili. . Pero itong si Matteo, mabait na bata. .gusto ko sya para sayo . ."

Only For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon