Chapter 10

2.3K 85 17
                                    

10

•••***•••

" ate, magkagalit po ba kayo nina kuya Matt? "

" Chloe, bakit mo naman natanong yan? " im now preparing for the final band rehearsal. Andito na kami sa lugar kung san gaganapin mamayang gabi ang birthday celebration ni Mayor. Nauna nang natapos si Channel sa akin, at no pansin kami nuh!

" eh kasi po, parang di kayo magkakilala. ."

" busy ako kaya di ko sya napapansin. Alam mo naman na pag rehearsal na, focus ako sa pag prepare.And besides, he's also busy talking with them " ani ko sabay turo sa direksyon ni Matteo na mukhang enjoy na enjoy kausap ang ilang babeng na alam ko ay anak ng mga imbitadong kaalyado sa politics ni Mayor!

" Ah- oo nga po. Muhang busy nga po . ."

" Pakisabi kay Tito Louie, ready na ako "

" Ok po! " at mabilis na tumalima ni Chloe. Tinali ko lang ang buhok ko saka inayos ang pagkakabit ng lapel sa likuran ko. Apat na prods ang meron ako. Opening na kanta na favorite ng mag asawa, and then the Duet namin ni Marco while he's on his piano.. and  sa finale na two sing and dance prods. .

Nakita kong sumenyas si Tito Louie, hudyat na ready na ang lahat.

" mic test. . " naglakad ako tungo sa gitnang bahagi ng stage saka muling tinest ang mic. It was good. . hangang sa dulo ng stage .. 

Una kong ire-rehearse ang kanta nina Mayor at Tita. . Endless Love. . I started singing it at di ko maiwasang isipin si mommy.

Bawat letra ng kanta ay parang karayom na tumutusok sa puso ko. Mom loves the song so much that she asked ate suzy and I to memorize it. Bawat pagtitipon sa bahay namin, kami ni ate ang kumakanta.  .Ate will always give me the high notes dahil madali ko lang daw itong naabot, and ate would play the piano too. .Tuwang tuwa sina mom and dad sa tuwing may duet kami ni Ate .Lahat halos ng bisita namin,nirerequest na umulit pa kami ng isang kanta. At pagbibigyan din naman namin. .

Di ko napigilang maiyak ng matapos ko ang kanta. All our happy memories came flashing in my mind. .Ang dami kong what if's . .

Mabilis kong pinahid ang luha ko saka huminga ng malalim. Wala naman atang nakapansin sa pag iyak ko, mukhang busy naman ang lahat, . Maliban sa isa. Matiim ang mga titig nito sa akin.. Matteo is like a mirror that everytime i meet his gaze, i see a reflection of mine..

Almost thirty minutes din ang naging run-through ko sa production numbers ko, kasama na ang sayaw with my back up .though, kahapon pa namin nireview ang dance steps. .

" ate.  .towel nyo po " abot ni Chloe sa akin, Mabilis akong pagpawisan, at gaya ng bilin parati ni mommy, wag magpapatuyo ng pawis sa likod. .

" Thanks. . halika na, balik na tayo ng bahay, i want to rest muna. Kahit one hour nap lang, before ako ayusan.. ."

" Ok po. . Teka, tawagin ko lang po si Kuya Matt, para maihatid nya na-

" wag na. Ako na lang magdadrive . Nasa iyo naman ang susi diba?"

" naku ate wala po. Nasa kanya. "

" ah ganun ba . .sige, pakitawag na lang sya . "

" aalis na ba tayo?" Napalingon kaming bigla ni Chloe nang marinig namin ang boses ni Matteo. Kanina pa ba to nasa likuran namin??

Napahinga ako ng malalim nang magtama ang mga tingin namin. Matteo and his mysterious looks make me weak in the inside . .Nakakapanghina ang mga titig nito. .

Only For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon